Bty 18 LOUISE's POV After ng speech ni Jasmine lumapit na kami sa mga magulang namin. Mahigpit ang yakap sa akin ni Tita Julia. Paulit-ulit ang pagpapasalamat niya dahil engaged na kami ni Jasmine. "Maluwag na sa loob ko ang magretire ngayon hija dahil alam kong maalagaan ka ni Jasmine." Si Daddy yan. "Anong kinalaman ko naman sa pagreretire niyo tito?" natatawang sabi ni Jasmine. "Pero sa bagay tumatanda na kayo ni daddy. Magretire na kayo. Baka sumasakit na ang tuhod e." Niyakap siya ni daddy. "Protektahan mo ang anak ko ha? Gawin mo ang hindi nagawa ng kuya mo." Kumalas sa pagkakayakap si Jasmine. Umayos ng pagkakatayo at sumaludo kayu daddy. "Sir! Yes Sir!" Ganun din ang ginawa ni dad. Saka ginulo ang buhok ni Jasmine. "Yey! Happy family!" masayang sabat ni Avril. "Fam

