JASSY'S POV Thank God okay na si Osborn! Marami lang apparatus na nakakabit sa kanya. sana magtuloy-tuloy na ang pagbuti ng kalagayan niya. Minabuti kong hindi na magpakita sa mga magulang niya. Pinalabas na lang namin ni Quin na inilapit siya ng head ng hospital sa charity foundation para hindi na maging komplikado ang lahat. Sa bahay nina Quin na ako tumuloy. Mas malapit e. Madaling araw na pero gising pa rin yung dalawang dilag. Hot gorgeous single ladies! "Hindi ka tumawag." Yan ang salubong ni ate Prime kay Quin. "deadbatt na phones namin mga ate."sagot niya. "Pagod na ako. pwede na akong matulog? Hinintay niyo pa talaga ako." humalik siya sa pisngi ng dalawa. "Good night sa inyo." Hiniram ko ang powerbank na kasalukuyang ginagamit ni ate Seg. Kanina pa kasi deadbatt ang phone

