BTY SIX (HENDRICKS: Oldest cousin)

1967 Words
BACK TO YOU (SIX) LOUISE's POV Nakipag-usap na si daddy kay Tita Lorna, Manager ko, para iayos ang mga upcoming schedules ko. Yung mga kaya ko lang gawin at as much as possible magcancel ng mga out of town shows. Suddenly, pakiramdam ko kinokontrol na ni Daddy ang buhay ko. Lumipas ang pasko na hindi ko maramdaman na belong ako sa pamilya. Hindi ako kinakausap ni daddy. "Ate hindi ka ba kakain? Makakasama kay baby yan oh. Ito kainin mo oh." May dala siyang vegetable salad. "HIndi ko kasi alam kung ano ang pinaglilihian mo. ano ba?" "Wala akong gana." Nilapag niya ang tray saka kinuha ang phone ko. "Ate! Ano? Magmumukmok ka kasi Missing In action ang boyfriend mo?" Tiningnan ko siya nang masama. "Anong gusto mo? Matuwa ako ako na wala magigisnang ama tong anak ko?" "Duh! E ano naman? marami diyang single parent no. saka walang kwenta yun si kuya Jasper. Galit si daddy sa kanya." "Malamang galit din sa akin." "OP kors! Pero hindi naman magtatagal galit no ate. Pero kumain ka muna. Gusto mo subuan pa kita e." OA ng kapatid ko. Kinain ko na lang ang vegetable salad. Siya nagprepare nito kaya heto inaabangan ang reaksyon ko. "Masarap ate? Diba? Diba?" "Sakto lang. Dapat hindi ka nag-engineer e. DApat culinary arts ang kinuha mo." Humalukipkip siya. "Idol ko sina ate Jas at ate Nicole e. Diba dapat Engineer ka din?" Tumango ako. "Dun ka na sa kwarto mo. wala ka nang take home activities ha? impossibleng wala." "Siyempre meron. Pero saka na. tuturuan ako ni ate Jassy daw e. Dito na lang muna ako. Bantayan daw kita sabi ni daddy e." -- Niyaya ko siya sa music room. Marunong siyang maggitara, piano, violen, pati flute. "Nakakamiss kabonding sina ate Nicole at ate Jassy. Nangalawang na yung gitara ni at jassy oh." Birthday gift ni Daddy sa amin ni Jasmine yung mga gitara. Same kasi kami ng birthday. Same din ng hospital. Kaya favorite siya ni daddy. Parang kambal daw kami. "Uy may naalala!" pang-aasar ng kapatid ko. "Hindi mo sila namimiss?" "Why should I?" pagsusungit ko sa kanya. "And please. Huwag mo nang mababanggit ang pangalan ng babaeng yon." Umarte siya na nag-zip ng bibig. -- Pinatawag ako ni daddy sa study room. "Anong plano mo ngayon?" tanong niya sa tono na parang ayaw makarinig ng maling sagot. "Raise my child alone." "Hindi pwede. Nakapag-usap na kami ng tito Zandro mo. You will marry Jasmine." "Po? Daddy? Seryoso ka? Bakit? Anglabo naman dad." "Sinuway mo na ako nung nag-artista ka. Hindi mo itinuloy ang pagiging engineer mo. Pwede bang ngayon ako naman ang sundin mo?" "Ito na naman tayo e. Bakit lagi niyong sinusumbat sa akin yan? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko sa inyo dahil ayoko maging engineer? Porket pulis kayo nina Tito Zandro at Tito Emil kailangan pare-pareho din kami nina Nicole?" "Our decision is final. Kung hindi ka pakakasalan ng panganay ni Zandro, si Jasmine ang mapapakasal sayo. Pwede ka nang lumabas." "kung sa babae niyo lang din ako ipapakasal, hahanap na lang ako ng ibang girlfriend dad! Never will I marry Jasmine. No way!" Lumabas na ako. Anong tingin naman nila sa akin pwedeng pagpasa-pasahan? After ng kuya, yung kapatid naman?! Gosh! Nakakapagod! Kinuha ko ang susi ng kotse. Kailangan kong magpalipas ng oras at inis! Pagdating sa garahe nakasandal si Avril sa kotse ko. "Hi ate! Kailangan mo ng travel buddy?" "Gusto kong mapag-isa Avril. Pwedeng huwag mo akong kulitin ngayon?" Sumimangot naman siya. "Boring kaya magjoyride mag-isa. Kaya tara na." Lumipat siya sa kabilang side. No Choice. Kumakanta-kanta pa siya habang nagdadrive ako. "Angweird ni daddy no? siya lang yata yung kilala kong tatay na ipapakasal ang anak na babae sa babae pa. Weird." "HIndi na to nakakatuwa Avril.Nakakasakal na sila. Kalokohan yung ipapakasal ako kay Jasmine." Inis kong sabi dito. "Pretty naman si ate Jassy ah. Kahit hndi sila magkamukha ni Kuya Jasper. Mas pogi pa yata siya kung lalaki lang siya e. and ate ha? bagay kaya kayo." Inirapan ko siya. "Hindi na ako magtataka kung mag-uwi ka ng babae sa bahay." Tumawa lang naman siya. "Uy excuse me! Hindi ako nagkakagusto sa babae no!" "Huwag kang magsalita ng tapos. Sa kinikilos mo pa lang pakiramdam ko hindi ka na straight. Trust me." "Bakit ate? Nagka-identity crisis ka na ba? Nafeel mo nang nagkagusto ka sa babae? Attracted ka ba kay ate Yasmin? Lagi kayong magkasama diba?" "bubusalan ko yang bibig mo kung hindi ka titigil." "Hard." Ismid pa niya. "So saan tayo pupunta ate? Libre mo ako?" "hindi ko dala ang wallet ko. kaya ikaw manglibre sa akin." "Ahy! Ano ba yan. Buntis lang makakalimutin na!" -- Sa condo ko muna kami magpapalipas ng oras. Nakasalampak na nga siya sa sofa pagkadating. "Ate kapag nagpakasal na kayo ni Ate Jassy bigay mo na sa akin tong unit mo ha? Siyempre sa iisang bahay na kayo titira." "Hindi ako magpapakasal! Kaya huwag kang mangarap diyan. BIli ka ng sarili mong unit pag mau ipon ka na." "Huwag kang magsalita ng tapos!" panggagaya niya sa akin. "Sabihin mo kay mom nandito tayo."utos ko sa kanya. "Dito na muna ako. Uwi ka na lang mamaya." Tumuloy ako sa kwarto ko. Huminga at huminga ng malalim. Hindi ko gusto ang idea ni Daddy! Hindi ko gustong matali kay Jasmine, bakit pa siya idadamay sa sitwasyon ko? Kaya ko naman kahit walang asawa. Baka nasa family gathering pa si Yassy sa mga oras na to. Wala akong maistorbo. Hay. Ah si Kuya Hendricks na lang tawagan ko! Pinakamatandang pinsan namin sa father side. >>>Kuya... (Oh? Maligalig ka? Bakit ka napatawag?) >>>Kuya... may problema ako... (Huh? Teka saan ka? Puntahan kita...) >>>sa condo... kuya. Dala ka rambutan please... (Haha! Maligalig. Gusto p ng rambutan. Okay. Sige. Give an hour. Pa-out pa lang ako.) >>>Thank you Kuya! Pati ice cream na rin ha? nandito kasi si Avril. (Sige... iisang galon para sa matakaw na AL. haha bye baby lou. See you.) Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil may rambutan na pasalubong at makikita ko ang favorite pinsan ko! -- As usual mas excited si AL nang dumating si Kuya Hends. Excited sa ice cream! Pagkakuha nga sa ice cream hindi na nagpaistorbo sa panonood e. "Oh anong problema?" tanong ni kuya. "Mapait ka pa rin magtimpla ng kape. Ano ba to. " "Hindi naman kasi ako nagtitimpla ng kape para sa iba. Sabi sayo ikaw magtimpla e." "Nevermind. Ano na yung problema mo?" "Buntis ako." "Problema ba yon? Blessing yan pinsan." "Ayaw kong magpakasal kay Jasper." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Ikaw lang yung nabuntis na hindi maghahabol ah? Seryoso ka diyan?" Tumango ako. Kinwento ko na sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Jasper. Tulad ni Daddy ay nagalit din siya. "Makita ko lang yang lalaking yan bibigyan ko ng isa e. ikaw naman. Ilang ulit ka na palang niloko sige ka pa rin sa relasyon niyo? Anong katangahan naman yun?" "Kuya naman. Kasi yon ang tama. Alam mo naman yong pinagdaanan ko diba?" "Mali. Maling mali na paulit-ulit mong pinatawad. Anong plan mo ngayon? paano ang career mo? Sigurado pagpipiyestahan ka ng mga bashers mo." Napabuntong hininga ako. "Sanay naman na ako kuya. Matagal na ako sa showbiz. Hindi mawawala yan." "anong sabi ni tito?" "Yun ang problema ko kuya. Gusto nila kaming magpakasal ni Jasmine. Ayoko kuya." Humigop ulit siya ng kape. "Ayokong makialam sa desisyon ni tito. Alam mo naman yon. Walang makapagpapabago ng desisyon niya. not even tita. Pero kung iispin mo no? Ipapakasal ka kay Jasmine pero hindi ka niya mahal. Buong buhay niyo magkukunwari lang kayo." "Marrying for convenience. "Matamlay kong tugon. "f**k! Angwerido ni daddy!" "kunsabagay, Hindi lahat ng nagmamahal ay magkasama at hindi lahat ng magkasama ay nagmamahalan." Seryoso niyang sabi saka humigop ulit ng kape. "Ironic..." "yeah. How ironic. Unless ayaw din ni Jasmine. Imposibleng gustuhin niyang magpakasal sa akin. Knowing her, ayaw niyang bumaba ang market value niya." sure ako diyan. "People change. That includes her." "And me." Dugtong ko. "Kapag natraydor ka nang minsan mahihirapan ka nang magtiwala. Alam mo yan." "Kahit magdamag tayong magbrains storm dito hindi pa rin mababago ang desisyon ni Tito. Ipagdasal mo na lang na hindi papayag si Jasmine." "Hindi talaga papayag yon. Sigurado ako. Hindi niya ipagpapalit ang pambababae niya sa pilit na pagpapakasal sa akin." "Pait!" umismid si kuya. "Ng kape. Angpait ng kape pinsan." "Uhm pakilala mo na lang ako sa new girlfriend mo. yung kasama mo sa picture." Napatingin naman siya sa akin at natawa. "Hindi ko girlfriend si Zaniel hoy! Malisyosa ka. Isipin mo na lang paano malulusutan si tito. Or else magiging asawa ka ng pretty womanizer." -- December 31. Gabi. Hindi na ako makakasama sa new year's eve countdown special ng network dahil masama ang pakiramdam ko. Pinagalitan ako ni mommy dahil nag-three days straight tapings ko na inaabot ng halos hating gabi. Umiidlip naman ako sa van pero gawa siguro ito ng pagbubuntis ko. "Pwede ka bang tumigil muna sa pagtatrabaho Louise? Tingnan mo nagkakasakit ka na. Makakasama sa pagbubuntis mo yan." "Tatapusin ko lang ang ilang commitments mom saka ako magpapahinga. Pero tatanggap pa rin ako ng mga guestings. Basta kaya ko pa." "Kahit hindi ka naman na magtrabaho muna. Anak naman, may baby ka nang dapat ingatan." "Hmm mommy, pwede mo bang kausapin si daddy? About sa kasal?" "Napag-usapan na natin to Hija. Hindi pwedeng hindi kayo magpakasal ni Jasmine. Dahil pagkakaibigan ng daddy at tito Zandro mo ang nakasalalay dito." Hay! Jasper! Kung hindi ka lang sana duwag at babaero! Ano ba namang kapalaran to sa isang chic girl din ako ipapakasal. Gagawin ko na lang ang lahat para si Jasmine mismo ang umayaw sa akin. Since sigurado naman akong yun din ang gugustuhin niya. Naputol ang pag-uusap namin nang magring ang phone ko. Si Yassy. Nasa count down special siya ngayon. >>>Hey Yassy... Happy new year! (Happy new year too! Sayang wala ka dito. Kumusta ka na? kumusta si baby?) Nasabi ko na rin sa kanya. Nagalit din siya as expected pero mas nagkicare siya sa baby. Ninang daw agad siya. >>>Okay ako Yass. Over fatigue lang siguro. Namimiss na daw ni Baby ang magtaping..haha! Miss ko na talaga magtaping... (Pwede pa naman pero hindi na yung tulad dati na p*****n ang tapings. Teka ha? Turn ko na daw e. Happy new year ulit! See you!) >>>See you... Binaba ko na ang call. Si mommy nakatingin lang sa akin. "What?" Umiling siya. "Minsan nga imbitahan mo din si Yassy kasama sina Nicole. Baka magkakasundo sila." "Next time." Nanood lang ako ng count down. Nakakamiss! Tumabi sa akin si Avril. "Uy may nakakamiss magcountdown! Miss na magdance dance oh. Twerk twerk ka na ate buntis version.hahaha!" Binato ko siya ng throw pillow. "Tumahimik ka na nga diyan." "Haha! KJ mo ate! Oh 10 minuntes na lang oh! Mommy daddy! Labas na tayo! Bilis! Yaya! Lesgo outside na po! Call niyo na yung iba!" Nag-utos pa siya e siya din ang natawag sa mga kasambahay namin. Sa may garden kami magsasalo-salo. Five minutes. Tumatawag si ate Nicnic. >>>Hello nicnic love! Happy New Year! (Happy new year Gracia! Huwag mong ibababa ha? Wait natin ang 2016.) >>>okay sige... nasa party kayo? (oo! Para hindi magmukmok si Prey. Hayun yung dalawa nagsuswimming na sa alak. Kita tayo pagbalik namin diyan ha? miss ko na si Tita.) >>>Gusto mo makausap? (Hindi na. Malapit na new year...) "Prey! Jassy! Tara na nga dito! Malapit na magmid night!" Nagsimula nang magcountdown sina Avril. "8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1...! Happy new year!!!" Kasabay ng fireworks at pag-iingay nila narinig ko rin ang pagbati sa kabilang linya. "Happy new year everyone!" Sa tono ng boses si Prey yun. "Happy new year to me! More chix to come! More Momol! More Girls!" sino pa ba? De si Jasmine lang naman ang may ganyang resolution. Malandi yata ang middle name niya e. "Gago ka talaga Jasmine! Sana makabuntis ka na! hahaha!" si Prey ulit yan. "No way bruh! No way! Market value is life!" >>>uhm ate Nicnic..Happy new year! Yearly na lang ganito. (Happy new year! Miss ka na namin. Sana next time tayong lima na magkakasama. Ahy anim na pala kasi may Chloe na si Nikee...) >>>Tingnan na lang natin. Bye Nicnic love. Happy new year ulit! Nagtweet ako ng happy new year. Maraming interactions. Pero ang hindi ko nagustuhan ay ang isang pic na nakatag pa ako. Picture ni Jasper na may kasamang ibang babae. Hindi ako nakaramdam ng selos o galit. Awa pa nga ang naramdaman ko para sa babaeng kasama niya. Nagcompose ako ng tweet. @iamLGdelaRiva Happy New Year! New beginning. :) Better and stronger.#  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD