BTY FOUR ( Her Sister AL)

1720 Words
BACK TO YOU (FOUR) Louise's POV Nagcancel ako ng appointments ko sa araw na to. Hindi ko kaya ang bumyahe. Angsama ng pakiramdam ko. Paggising ko nga wala na si Yassy. Maaga daw call time niya. Nag-PT ako. Tama ang kutob ko. Buntis ako. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko. Paano ko sasabihin kay Jasper. "Good morning. "Si mommy yan. May dalang tray ng pagkain. "Napasobra ang party yata kagabi hija." "Opo yata." Umayos ako ng upo sa kama. "My favorite?" Ngumiti si mommy. "Mushroom soup honey. Namiss mo lang yata ang magpaalaga e." "Magbakasyon kaya tayo mom? Napapagod na rin ako sa kakatrabaho." "Kumbinsihin mo muna ang daddy mo na magretire na. saka tayo mag-out of the country." Ito yung lagi namin napapag-usapan ni mommy din e kaso kapag sasabihan ko si daddy, may lagi naman siyang gustong kapalit. Kapag nagpakasal na daw kami ni Jasper saka siya magreretire. Hay! Kung alam lang nila ang pinagdadaanan ko. At kung sana may lakas lang ako ng loob na sabihin sa kanila. Ayoko lang makitang disappointed ang daddy ko sa akin lalo sa anak ng bestfriend niya. "Okay ka lang?" Tumango ako. "Birthday mo na bukas mom, let's have dinner out?" "Gusto ko ng lunch with you and your friends." "Yassy?" ofcourse alam ko kung sino ang tinutukoy niya! "anak lagi kong nakikita si Yassy. Namimiss ko na sina Jasmine." Every year yan naman ang gusto niya e. Pero si Nicole lang ang lagi kong iniinvite. Dahil ayaw ko nang makita si Jasmine hangga't maari. Hindi na ako umimik. Hindi umalis si mom hangga't hindi ko nauubos ang pagkain. Ganun siya kaistrikto. Binantayan talaga ako. -- Sa garden muna ako. Kasakulukuyan kong inaaral ang script ng isang TV Special na isho-shoot in two weeks. "Maam may bisita po kayo. Si sir Jasper po." May dala siyang flowers and cake. "Hi baby..." hinalikan niya ako sa pisngi. "Si tita?" "Bumisita sa clinic saglit. Pero uuwi din yon for lunch. Uhm may kailangan tayong pag-usapan. Sa kwarto na lang tayo." "Kaya niyo po maglakad maam?" Tumango ako. "Ya, pakikuha na lang yung mga dala ni Jasper. Pakiligpit na rin yung script. Balikan ko na lang mamaya." Inalalayan naman niya ako hanggang makarating sa kwarto. Naupo ako sa kama. Kinuha niya ang upuan sa may study table ko at naupo sa tapat ko. "ano ang pag-uusapan natin?" Nakahalukipkip siya na naghihintay ng sasabihin ko. Ito yung ayoko sa kanya. Pwede namang tabi ko na lang siya pero kapag ganitong seryosong usapan gusto niya parang lagi akong nagcoconfess ng kasalanan sa kanya. "Ano Louise? Anong pag-uusapan natin?" Napalunok ako sa tingin niya. "Buntis ako Jasper..." Napahilamos na siya ng mukha niya. "s**t! Are you serious?! Ako ba ang ama niyan?" turo pa niya sa tiyan ko. Hindi ko na napigilang sampalin siya. "Umalis ka na. Huwag ka na ulit magpapakita sa akin!!" God! Itatanong pa kung siya ang ama?! Wala man lang siyang reaksyon. Hawak-hawak lang niya ang kaliwang pisngi niya. "Limang taon Jasper! Tapos ngayon tatanungin mo kung ikaw ang ama ng batang to? Anong inaakala mo sa akin? Tulad mo na tikim ng tikim ng iba?! Gago ka pala e! Wala kang pinagkaiba sa kapatid mo!" Wala akong pakialam kung ikinagalit niya ang sinabi ko. "Huwag na huwag mo akong ikukumpara sa tomboy na yon!!" bulyaw niya sa akin. "O talaga? impossible namang mana-mana diba?! Now tell me? Idol mo ang kapatid mo kaya ka rin papalit-palit ng babae? Ah let me rephrase..."sarkastiko kung ngiti sa kanya."hindi ka nagpapapalit-palit. Nagdadagdag ka lang pala. Nakailang babae ka ba habang hindi nagpapakita sa akin ha? Dalawa? Lima? Si Jasmine kasi nag-uuwi sa pad nila ni Nicole ng tatlong babae sa isang linggo is case you want to know." Tinalikuran niya ako. Binalibag pa niya ang pinto. s**t. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Pinatawag ko si yaya Esperanza via Intercom. Humingi ako ng tubig. Ineexpect kong hihiwalayan niya ako pero hindi ko mahanap ang lungkot sa puso ko. Mas nangingibabaw ang takot kay daddy sa kung ano ang pwede niyang gawin sa akin. - -- Hindi na ako nakisabay sa lunch with mommy. Hinintay kong magkaroon ng freetime si Nicole para may makausap ako. (Bakit mo naman sinabing tatlong babae?) natatawa niyang tanong. (Lou! Apat! Apat sa isang linggo!) >>>Ate anglaki ng problema ko dito. Yan pa ang iniisip mo? wala akong pakialam kong pito ang iniuuwing babae ng kaibigan mo. (no chix on Sundays Lou.) >>>Ate naman! Tulungan mo na ako dito. Paano ko sasabihin sa parents ko to? Madidisapoint sila. tapos malamang hihiwalayan din ako ni Jasper. (Well and good kung hihiwalayan ka ng lalaking yon. Hindi mo siya deserve Lou.) >>>yung galit ni dad... ni mom... yung disappointments. Paano ko yung tatanggapin lahat? Nic... weak ako...alam mo yan... (sabihin mo na bago pa nila malaman sa iba...) >>>Ikaw lang naman nakakaalam... (Oo nga. Bago pa nila malaman sa akin. Sabihin mo na. And get ready sa consequences Louise Grace. And please huwag na huwag kang gagawa ng katangahan. Blessing yan.) "Ate!" walang katok na namang pumasok si Avril Love. "Guess who kung sino ang kasama ko kanina. Angsaya!" >>>nandito na kapatid ko. usap tayo mamaya. "Sino yan ate?" nagtanong pa e tiningnan naman kung sino ang kausap ko. Hinablot na nga niya ito nang makita na si Nicole ang kausap ko e. "Hello ate Nicole! Oo naman! Nag-enjoy ako. Pauwi na siya. magagalit ka daw e! hahaha!" Si Jasmine ang kasama nito. Kanino ba naman magagalit si Nicole kapag late umuuwi? Kay Jasmine lang naman yung nag-i-istrikto. "Hahaha! Yes ate! Nalibre kami ng lunch kasi yung girl crush siya. Kinuha ang number ni ate Jassy! Hahaha! Yes ate. Name? Uhhm... Lovely... Pero hindi siya pretty.haha! Okay..bye ate! Nawiwiwi na ako e..." Inabot naman niya ang phone sa akin saka deretso sa CR. (haha! Hyper ng kapatid mo kahit kailan...) >>>Nasobrahan sa chocolates yata... Baba ko na to... (Sige... Hoy babae! Kumain ka nang maayos. Magpacheck ka na. Padalhan kita ng vitamin pagkabalik namin...) >>>Excited...Bye Nicnic Love... "Ate! Ano to?!" Shit. Yung PT! "Tangina ate! Huwag kang magsisinungaling sa akin. alangan si Mama ang gumamit nito." Hinila ko siya paupo. "Magpromise ka na hindi mo sasabihin kena mommy at daddy." Kumunot ang noo niya. "Ibig kong sabihin huwag mo akong uunahan. Ako magsasabi." Bumuntong hininga siya. "Fine. Ano na? Bukod sa buntis ka. Pakakasalan ka ba ni kuya Jasper?" Nagkibit-balikat ako. "Tinanong pa ako kung siya daw ang ama e." "E gago pala yon e!" hayan nagfifreak out na siya. "Bakit ka kasi nagboyfriend ng pormalin ate? Gang porma lang walang paninidigan si KUya Jasper. Kaya mainit dugo ko diyan e. O pano yan? Paano mo sasabihin kay daddy? Ate kailangan mo ng back up? Ako na lang magsasabi. Magbakasyon ka muna. Teleserye style?" Pinitik ko ang noo niya. "Kasasabi ko lang na huwag mo akong unahan diba? Isip muna ako ng magandang tiyempo. Kakausapin ko lang ulit si Jasper." "Para saan pa ate? Magmamakaawa ka?! Ate naman! Hindi pa ba sapat yung kagaguhan niya? Itanong ba naman kung siya ang ama? Gago yun. " -- We are having our dinner. Nagbibida si Avril Love. Iniinggit niya lang si mom kasi kasama niya si Jasmine kanina. "Inimbitahan mo na sana dito." "Ano kasi mom. Busy siya. May bagong girlfriend e." " I didn't know she likes girls."tumingin sa akin si Mom. "What? You didn't ask me anyway." Pagrarason ko sa pagtingin sa akin ni Mom. "Alam ni Daddy. For sure. Sa kanya ka mainis." "HIndi ko sinabi dahil close kayo ni Jasmine. Baka kung ano ang isipin ng mommy mo." "Like what?" hayan na. Sila na lang ang mag-away. "Mom akyat na ako. Maaga pa ang call time ko bukas." "Buti pa nga ate para healthy kayo ni baby..." God! Avril! Hindi mo na naman napigil ang bibig mo. Pinaglakihan ko siya ng mata. Natigil siya sa pagsubo. Mom and dad look at me. "Balik ka sa upuan mo."utos ni daddy. Lagot na! s**t! "Avril Love ano ulit yung sinabi mo?" pag-usig ni daddy. "Wala naman daddy ah. Sabi ko matulog na siya para heathy si baby Louise ninyo..." Hindi mo kayang magsinungaling Avril! Nauutal-utal ka. s**t! Gusto kong lamunin na ako ng lupa! Ngayon na! "Babawasan ko ang allowance mo AL kapag hindi ka nagsabi ng totoo." Ma-otoridad na sabi ni Daddy. "Magjejeep kang papasok sa school at uuwi. Ipapafreeze ko ang bank accounts mo pati credit cards." "Gosh! Dad! Papatayin mo ako indirectly sa gagawin mo..." Tiningnan siya ng masama ni mommy. "Po...Papatayin niyo po ako ng idirectly po a gagawin mo PO..." "Isa..." paninimula ni Daddy. "I'm pregnant." Lakas loob ko nang sinabi. Wala na kasi akong choice. Ito naman kasing kapatid ko napakadaldal! "Alam na ni Jasper? Nakapag-usap na kayo?" Tumango ako. "Daddy,believe it or not tinanong siya ni kuya Jasper kung sino ang daddy nung baby. Diba? Anong klaseng boyfriend yon." "Avri!" sigaw ko sa kapatid ko. "Can you please shut up?!" "Totoo ba?" malumanay pero galit nang baling ni daddy sa akin. Tumango na ako. "Susubukan ko siyang kausapin daddy." "No. ako ang kakausap sa kanya. Tell your manager we will talk to her about your work. Umakyat ka nasa room mo and you young lady." Baling niya kay Avril Love. "Gawin mo na ang assignment mo. magjeep ka bukas. Isang linggo." "Pero dad! Nagsabi naman ako ng totoo. Bakit may parusa pa rin?" "Ininform ako ng P.E. instructor mo na bagsak ka sa prelims niyo. Now go to your room ang study harder." -- Bago matulog kumatok muna ako sa kwarto ng mga magulang ko. Hindi ako makakatulog nang ganito. Na hindi kami okay. "Mom...Dad...Pwede tayong mag-usap?" "Come in..." si Dad yon. Maingat kong binuksan ang pinto. Naupo ako sa may paanan nila. Indian squat tulad ng gawain ko noon kapag may confession ako sa kanila. "Dad, please ako na ang kakausap kay Jasper. Kung hindi niya ako pakakasalan. Okay lang. I can raise my child alone." "Hindi pwede." Mariin na sagot ni Daddy. "Pakakasalan ka niya o ipapakulong ko siya." "Daddy naman." "Anak, hindi pwedeng hindi ka niya pakasalan. Nakasalalay sa inyo ang reputasyon ng pamilya Salazar at Dela Riva." Paliwanag ni Mommy. "Sigurado akong ganun din ang gusto ni Zandro." "At kung ayaw ni Jasper?" Dahil for sure aayaw siya. halata naman sa reaksyon niya kanina. Parang nandiri pa na buntis ako e. "E de kay ate Jassy!" napalingon ako kay Avril Love na nasa may pintuan na pala. Yakap-yakap niya ang unan niya at flowers. "haha! joke lang daddy! Ang ibig kong sabihin Happy birthday daw mommy sabi ni Ate Jassy. Oh bilin niya Midnight ko ibigay pero antok na antok na antok na antok na talaga ako mommy e." nahiga pa siya sa gitna nina mom and dad. "Ate hindi ka na kasya dito. Balik ka na sa room mo oh. Matutulog na kami. Good night sa inyo ni baby." Umahon na nga ako sa kama. Napahilot ako sa noo ko. Gosh Lord! Bakit may kapatid akong out of this world mag-isip?#  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD