LOUISE'S POV Tanghali. Nasa hospital na kami. Tulog si Architect Rachel. May brace ang leeg niya. Nakabenda ang kaliwang braso niya. May sugat din sa noo. May mga sugat sa mukha din gawa siguro ng bubog ng salamin. Nandito si Jovelyn. Akala ko ay paalis ito ng bansa. Anong himala at nandito siya? Lumabas muna ang magkapatid. "Akala ko aalis ka na. Change of plans?" She nodded while her attention is on Rachel. "Nadelay ang flight ko. Nakatanggap ako ng tawag. Number ni Rachel. Sabi niya hintayin ko siya. Nag-uusap pa kami tapos wala na. May narinig na lang ako tunog bumangga." Pi-nat ko ang balikat niya. "Magiging okay din ang lahat." "Strong si RAD. Kayang kaya naman niya to. Mas masakit pa yung sinukli kong sakit sa pagmamahal niya e." Angtagal nung dalawa. Nagmulat si Rachel. Sum

