Episode 19

1158 Words
-------- Sa mga nakalipas na araw, napapansin nya na parang nagbago ang pakikitungo ni Aki sa kanya. Hindi na madalas mainit ang ulo nito sa kanya. Ganun pa rin ito, laging nya itong nakikita saan man sya magpunta. Pakiramdam talaga nya sinusundan sya nito. Na binabantayan sya nito. Ayaw nyang mag- assume, pero ito talaga ang naramdaman nya. Kasalukuyan syang nasa may kubo na nasa ilalim ng mga mangga habang kumakain ng hilaw na mangga, tulad noon, may bagoong na naman na ginawa nyang sawsawan. Sarap na sarap sya sa kinakain nang napatigil sya dahil pumasok si Aki sa loob. “Nandito ka na naman?” nairita na sabi nya dito. Tinaasan pa nya ito ng kilay. “At bakit ka naman nagtataka? Pagmamay- ari namin ang haciendang ito. ” Umupo ito sa upuan na nasa harapan sa kung saan sya nakaupo. Napangiwi pa ito habang napatingin sa kinakain nya. Naalala nya, hindi pala ito kumakain ng mga ganito. Napataas ang kilay nya sa isipin ito. “Hindi ka ba nagtatrabaho sa MCI?” hindi na nya napigilan at napatanong na sya sa gumugulo sa isip nya. “I can work here at home. Hindi naman mahirap gawin yan.” “Sabi ni ninang, lagi kang wala sa bahay. Hindi naman totoo ang sinasabi nya. Lagi kasi kitang nakikita na nasa bahay.” “May problema ba kung lagi akong nasa bahay namin? Bahay naman namin yon. May problema ka ba sa presensya ko?” tila naiiritang sabi nito. “At saka, bakit naman ako aalis kung nandito na ang lagi kong pinupuntahan?” Napakunot- noo sya. Pinupuntahan? Sino kaya ang pinupuntahan nito? Hindi na ito nagsasalita kaya napatitig sya dito. Madalas itong inis sa kanya, na para bang meron sa pagkatao nya ang kinainisan nito. Pero these past days, bahagya itong bumait sa kanya. May sekreto kaya itong tinatago kaya bigla itong bumait. “Bakit ka napatitig sa akin?” kunot- noo na tanong nito sa kanya. Nakatitig nga sya dito. Iniisip kasi nya masyado ang naiisip nya sa sandaling ito. “May sekreto ka ba Aki?” “Sekreto?” naguguluhan na sabi nito. “May gusto ka bang sabihin sa akin? Sabihin mo na habang kaya ko pang makinig sayo. Habang maintindihan pa kita.” Mahinahon lang ang boss nya, gusto nya maramdaman nito na nandito lang sya, handang umitindi dito. “Alam mo kasi Haylee-----“ tila nahihirapan talaga itong sabihin ang totoong naramdaman nito. “I am-------“ talagang nahihirapan ito at hindi matapos- tapos ang gustong sabihin. Titig na titig ito sa kanya. Kaya napagpasyahan nyang mas gawin madali dito ang klase ng pagkakatanong nya. “May tinatago ka bang damdamin, Aki?” pag- iiba nya sa tanong. Sandali muna bago ito napatango. “At matagal mo na itong gustong sabihin sa akin?” Tumango na naman ito. Sabi na nga ba nya. Talagang may itinatago ito sa kanya. “Nagagandahan ka ba sa akin?” paniniguro nya, bago nya sabihin dito na gets na nya ang sekreto nito. “Sobra. Kung alam mo lang.” nakatitig lang talaga ito sa kanya. Sobrang lapit pa ng mukha nito sa mukha nya. Ngayon sigurado na sya sa naisip. “Aki---are you-----“ “Yes.” Sagot nito, hindi pa man natapos ang tanong nya. “Oh my God! I can’t believe it.” Natuptop nya ang bibig nya. Hindi sya makapaniwala na totoo ang iniisip nya. “So, what can you say?” pilyong ngumiti ito. Nilakasan nya ang loob. Gusto nyang iparamdam dito na hindi ito nag-iisa sa naramdaman nito. “I’m always here for you, Aki.” Napangiti naman ito sa sinabi nya. “Kung sakali na gusto mo ng mag-out at ipaalam sa lahat ang naramdaman mo, nandito lang ako.” Puno ng emosyon na sabi nya dito. “Sasamahan mo ako? Gusto ko na ngang ipaalam sa lahat. Ngayon na alam mo na, hindi ka galit sa akin?” Naramdaman nya ang pag- iinit ng bawat sulok ng mga mata nya. “Oo naman.” “Wait! Umiiyak ka ba?” namamasa na talaga ang mga mata nya. “Hindi ko lang mapigilan ang maiyak.” Pinahid nya ang luha.“Kung hindi lang ako malapit sa mga bakla. At tanggap na tanggap ko sila, baka-----” “Wait!” nabura ang ngiti nito. “What did you say?” “Diba, bakla ka? Inamin mo yan sa akin, ngayon lang.” “A-Ano? Where do you get that idea?” nagagalit yata ako. Nasaktan pa naman sya sa pag- amin nito pero naisip nya na tanggapin na lang ito, wala naman syang magagawa. “Ikaw. Tinatanog kita, sabi mo YES. At saka yon lang ang nakita kong reason kung bakit naging mabait ka sa akin. Una may half-brother akong bakla, then malapit si Jorge sa akin, then ako lang ang sinabihan ni Vincent sa sekreto nya. Kaya hindi malayo na ang rason kaya ka bumait sa akin kasi napagtanto mo na mabait ako sa mga tulad mo na kasapi ng federasyon.” “You?” nag- close open ang ilong nito sa inis. “Wala ka na bang ibang naisip na dahilan kaya bumait ako? Mukha ba akong bakla sa paningin mo? Buntisin kita dyan! At nang makita mo ang sinasabi mong bakla.” Napalunok sya sa sinabi nito. Ni halik ay ayaw nyang gawin nito sa kanya, yon pa bang nakakabuntis. “But I really wanted to kiss you first.” Lumakas bigla ang t*bok ng puso nya sa narinig. Parang may mga daga na naghahabulan sa loob ng dibdib n'ya. “Really? Gusto mo akong halikan? Sige nga, halikan mo ako.” Saka nya kinain ang isang manggang hilaw at sumubo pa sya ng maraming manggang hilaw at kumain ng maraming bagoong. Halik pala! Awang labi itong napatingin sa kanya. Sobrang lapit pa ng mukha nito sa mukha nya. Nang-aakit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya kalaunan. Kumain din ito ng mangga at maraming bagoong. Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito. Nakangisi itong nagpatuloy sa pagkain. Napaubo sya bigla, muntikan na syang mabilaukan sa kinakain habang nakatingin dito. Hindi nya mapigilan ang mapalunok nang pinunasan ng dila nito ang labi nito, saka kinagat pa ang ibabang labi nito habang ang mga mata ay tila nang-aakit sa kanya. Paulit- ulit tuloy syang napalunok habang hiniling na sana mangga nalang sya. Dear Heart, please stop getting involved in everything, especially about Aki. Your job is to pump blood, yan lang ang trabaho mo. Sa isip nya. “Aki, kumakain ka ng mangga at bagoong?” hindi makapaniwalang sambit ng ninang nya ng naabutan sila nito. Hindi man lamang nagawa nito na tumigil sa ginagawa. “Oo. Ang sarap pala nito lalo na pang iba ang iniisip ko.” Ani nito na kumindat pa sa kanya. Okay lang ang galit na Aki sa kanya, wag na ang malanding Aki. Wasak ang kinabukasan nya pag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD