------
Mahigit na sa isang buwan ang pananatili ni Haylee sa Villa. Wala naman syang masabi na hindi maganda sa trato sa kanya ng ninong at ninang n’ya. Talagang noon pa man ay itinuring na sya ng mga ito na parang tunay na anak ng mga ito. Lagi naman bumibista sina Karl at Yumi kasama ang mga asawa’t nila sa mga magulang kaya mas lalo syang napalapit sa mga ito. Mas naging malapit naman sila ni Jorge. Ito yong nagpapasaya sa kanya pag nakaramdam sya ng boredom. Pagdating kay Aki, para pa rin silang aso’t- puso. Sandaling magkakabati hanggang sa mauuwi sa pagtatalo ang pinag- uusapan nilang dalawa.
May bisita s’ya sa araw na ito. Isang tao na mahalaga sa kanya. Kaya masayang- masaya s’ya sa pagdating nito dahil nami- miss na n’ya ito ng sobra.
“Haylee---” si Mike, at mahigpit s’yang yumakap dito nang tuluyan na silang nakalapit sa isa’t- isa. “—kumusta ka na dito? I miss you very much.”
Yumakap din ito sa kanya. 14 years old sya ng nagkakilala sila nito. Mula noon, lagi na silang palihim na nagkikita nito. Pero sekreto ang estado ng relasyon nila.
Nasa may bakuran sya nang dumating ito, habang nasa beranda naman ng malaking bahay si Aki. Naramdaman n’ya na sa kanila ni Mike ang paningin ni Aki, kaya hindi nya mapigilan ang mapatingin kay Aki. Sa kanilang dalawa ni Mike nga ito nakatingin at madilim ang mukha nito na parang nagbabadha ang masamang panahon.
Ewan nya kung bakit galit na naman ito. Binawi nya ang paningin mula dito. Wala s’ya sa mood na patulan si Aki sa araw na ito. Kung bakit ba naman—nandito na naman si Aki. Lagi na lang itong nandito sa Villa na parang hindi ito nagtatrabaho sa MCI.
“Punta muna tayo sa kwarto ko, nandun yong ipapakita ko sayo. Pribado sana.”
“Sure. Nahihiya ka pa.”
Sabay na silang humakbang papasok ng bahay para pumunta sa kwarto nya. Nahihiya kasi s’ya kaya pribado yong ipapakita n’ya kay Mike.
Mayamaya, nagtatawanan silang dalawa ni Mike nang lumabas sila mula sa kwarto nya.Nakaakbay pa sa kanya si Mike. May ipinakita sya dito at may mahalaga din silang pinag- uusapan na hindi pwedeng marinig sa kung sino.
Paglabas nila mula sa kwarto ay ang paglabas din ni Aki mula sa kwarto nito. Nagkatinginan silang dalawa ni Aki, nakaigting ang panga nito na halatang galit na galit. Pero hindi nya pa rin pinansin ito. Minsan lang na nandito si Mike kaya pabayan muna nya si Aki. Ang mahalaga ay wala itong ginawang masama sa kanilang dalawa ni Mike.
Mayamaya…
Napatakbo si Haylee palapit kay Mike nang bigla nalang itong sinuntok ni Aki. Naglalakad na si Mike palapit sa kotse nito para umalis na nang lumapit si Aki dito at bigla itong sinuntok ni Aki.
“Aki! Ano ba? Bakit mo sinuntok ang bisita ko?” galit na galit n’yang tanong kay Aki, dinaluhan n’ya si Mike.
“Bakit hindi ko susuntukin ang lalaking iyan? He doesn’t have a plan to marry you. He cheated on you. Narinig ko na meron s’yang tinatawag na babe kanina. Pinaglalaruan ka lang ng lalaking iyan.” Si Aki, nanlilisik ang titig nito sa kanilang dalawa ni Mike.
“W-Wait! Anong boyfriend?” naguguluhan na tanong ni Mike.
“Nakita mo na? Harap- harapan ka ngang itinanggi ng lalaking ito.”
“Haylee, sabihin mo naman sa adoptive brother mo kung ano ako sayo bago pa ako mapatay nito.”
“I am not his brother.” Galit na sabi ni Aki.
“Fine—you’re not his brother, but I am.”
“Brother?” napakunot ang noo ni Aki.
“He’s my half brother, Aki. Anak ng daddy ko sa unang asawa nito.”
Nakaawang ang bibig ni Aki habang palipat- lipat ang tingin sa kanila ni Mike.
“At kahit hindi pa kami magkapatid ni Haylee, hinding- hindi ko pa rin sya liligawan. I am a gay, bro. Mga tipo mo yong type ko."
-----
Kasalukuyan nyang ginagamot ang namamagang bahagi ng mukha ni Mike na nasuntok ni Aki. Nakaupo silang tatlo sa garden set na nasa bakuran na bahagi ng Villa.
“Ano ang ginagawa nyong dalawa sa kwarto mo?” tanong ni Aki sa kanya. Humingi na ito ng tawad kanina kay Mike at nagkaayos na ang mga ito.
“He asked me to read the plot that she did for her next novel. Medyo mahiyain kasi sya. Ayaw nyang may makakaalam na nagsusulat s’ya ng mga romance novel.” Napatingin si Aki sa kanya. Tila nagtatanong ang mga mata nito kung totoo ba ang sinabi ni Mike dito. Hindi nya ito pinansin. “Anyway, medyo komplikado ang sitwasyon naming dalawa ni Haylee ngayon. Hindi ka naman siguro tsismoso.”
----
Hindi din naman nagtagal si Mike, umalis din agad ito. Papasok na sya sa loob ng bahay nang nakita nya si Aki na nakasandal sa habla ng pinto. Wala syang plano na pansinin ito, ngunit humarang ito sa kanya.
"Ano na naman ba ang problema mo? Padaanin mo nga ako."
"May half brother ka pala. Bakit wala akong alam?"
Napataas ang kilay nya sa tanong nito na parang ang sarili lang nito ang tinatanong. Napakunot noo din sya kalaunan.
"I don't think na kailangan kong sabihin sayo. Narinig mo naman siguro ang sinabi sayo ng kuya Mike ko kanina. Komplikado ang sitwasyon naming dalawa. My dad's whole family don't want to stay in touch with me, si kuya Mike lang ang naglakas loob na makipag- ugnayan sa akin. If her mother will know about this, magagalit ito ng sobra sa kanya. Kaya sekreto lang ang pagkikita naming dalawa."
"I know you secretly seeing with him all through this years. I thought he is your secret boyfriend. I can't believe I am jealous of someone na hindi naman pala dapat. F*ck!"
"Anong sabi mo?" kunot- noo pa rin sya. Hindi kasi nya masyadong naintindihan ang sinabi nito dahil sa mahina lang ang boses nito.
"Never mind." ang sinabi nito.
Agad na naman akong nainis sa kanya. Nakakainis isipin na ayaw na naman nya akong sagutin ng maayos.
"Ewan ko sayo, Aki."
Aalis na sana sya pero nahawakan sya nito sa kamay. Mabilis sya nitong kinabig at segundo lang ay nakakulong na sya sa matitipunong braso nito.
“I’m sorry Haylee." Anito na nagdulot ng kalituhan sa kanya.
Bakit ito humihingi ng tawad sa kanya? Well, madami nga pala itong kasalanan sa kanya. Pero ang tanong, ano ang nakain nito at humingi ito ng tawad sa kanya? Ramdam pa naman nya ang sensiridad sa tinig nito. Kaya nga hindi nya magawang magpumiglas para makawala dito.
“Let’s start again Haylee.” ani na naman nito na nagpaawang sa labi nya.
Naguguluhan talag sya sa inasta nito, kaya hindi nya magawang magsalita habang nakipagtitigan sya dito. Hindi nya mahagilap ang sa kung ano ang sasabihin nya.
Mayamaya, nanlaki ang mga mata nya nang ikinulong ng mga palad nito ang mukha nya. Tila naumid pa rin ang dila n'ya at hindi sya makapagsalita. Hindi nya kayang ipaliwanag ang emosyon na nakikita nya sa mga mata nito. Hanggang sa unti- unting inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Anong gagawin nito sa kanya?
Are he going to kiss her? No. Hindi pwedeng maging marupok sya. Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya noon. Ipinangako nya sa sarili na hindi nya hahahayan na malapat muli ang labi ni Aki sa labi nya.
Pero anong gagawin nya? Naninigas sya at hindi makakilos.
“Bestfriend!”
Napabitaw bigla si Aki sa kanya, at sabay sila napatingin sa bungad kung saan may nagsasalita, sumalubong sa paningin nila ang nakangiting mukha ni Jorge pero nabura bigla ang ngiti nito nang nakita porma nilang dalawa ni Aki. Sobrang lapit ng mukha ni Aki sa kanya.
“Napuwing ako.” pagsisinunggaling nya agad bago pa ito mag- isip ng kung ano. Lumayo sya ng bahagya mula kay Aki.
Bigla naman umaaliwalas ang mukha ni Jorge.
“Napuwing lang pala, akala ko pinagtataksilan mo na ako.” nakangiti ito. “Hi fafa Aki, ang guapo- guapo mo talaga, lalo na kung mukha kang bad trip.” Tila nagpacute pa ito.
“Gusto mo bubugbugin na kita.” Tila inis nga ito. “Ano na naman ang ipinunta mo dito?”
“Wag ka naman masyadong magalit, hindi ikaw ang ipinunta ko dito.” saka ibinaling ang pansin sa kanya. “Bestfriend, naalala mo yong crush mo?"
“Crush ko?” kunot- noo sya. Kailan pa sya may crush?
“Oo, yong sakristan ng simbahan, na maputi at ubod ng guapo, macho rin.” Ang tinutukoy ba nito ay yong nagpakilala sa kanya nung isang araw na Vincent ang pangalan. Hindi naman nya crush ang lalaking iyon.
Dumilim na naman ang anyo ni Aki.
“Hindi ko yong crush, okay? .” Tanggi nya na totoo naman.
“Aminin mo na kasi na crush mo yon. Tayong- tayo lang naman dito."
“Hindi nga nya crush, bakit ka ba namimilit?” nairitang sabi ni Aki.
“Big brother, wag kang mangialam” Ani ni Jorge kay Aki, hindi pinapansin ang inis ni Aki. "Diba, sabi mo gusto mo sa mga lalaking madasalin at makadiyos, while looking at that man. Kaya may crush ka sa lalaking iyon. Aminin!" panunukso nito sa kanya, saka ito bumaling kay Aki. "My loves, okay lang naman diba? Madasalin naman at maka-diyos. Malapit sa panginoon hindi katulad mo."
-----
-----
-----
Flashback: Sa mga nakabasa sa When it comes to love book ko, sana may nakaalala pa kina Zac at Loraine (S7: Loving my best friend) panganay na anak nina Haylee at Aki si Zac, si Loraine naman ay pinalaki ng gay couple na tinatawag nitong momshie and papsi, sina Mike at Jorge ang mga iyon. Ang daddy naman ni Loraine ay makilala sa next chapter at manliligaw ni Haylee. Hehe hehe. Hehehe. Nagtsismis lang ako. Free talaga ito guys hanggang completion, daily ko na din ito.