Episode 15

1229 Words
------ “Thank You!” nakangiting sabi nya kay Jorge, inihatid sya kasi nito sa kompanya ng MCI, may ihahatid lang sya sa ninong nya. Mahalagang papeles, at kahit medyo 6:00 pm na, kailangan nya parin ihatid ito dahil kailangang daw. Hindi sya marunong magmaneho kaya sasakay nalang sya ng tricycle sa pag- uwi nya. Nasa Manila ang ninang nya para tignan ang Blooms, si Yumi na ang nagmanage nito pero pumupunta paminsan- minsan doon ang ninang nya. May sakit ang family driver kaya hindi sya nasamahan nito. Hindi naman mahirap ang sumakay ng tricycle. Kawawa naman ang ninong nya, dalawang araw na itong nag-overtime sa trabaho. Pabor sa kanya, dahil busy ang kompanya ngayon kaya walang Aki ang laging nakasunod sa kanya. Ang kasama nya lagi ay si Jorge, nagiging close na nga sila nito. Kung hindi lang may importante itong pupuntahan baka hinintay na sya nito. Kainis na bakla, sa mismong parking lot ng MCI sya inihatid. ---- “I’m not in a mood Cindy!” naiinis na sabi ni Aki sa hindi naman nya girlfriend. Isang linggo palang nya ito kakilala, at dalawang beses na meron nang nangyari sa kanilang dalawa. Frustrated sya, kaya hindi nya naiwasan ang pang-aakit nito sa kanya. At ngayon nakaparada ang kotse nya, nasa mismong parking lot ng MCI, papauwi na sana sya nang mula sa kung saan bigla nalang itong pumasok sa kotse nya. Excited pa naman syang umuwi, may namiss kasi sya. “Baby Aki, I miss you. Hindi mo na ako pinupuntahan doon sa bar. Kaya pinuntahan nalang kita dito.” malambing pa na sabi nito. “Umalis kana.” Iritado nyang sabi. Naiinis sya sa mga babaeng hindi maintindihan ang gusto nya. Meron syang rules na dapat sinusunod ng mga babae nya. Ayaw nya sa babaeng possessive at parang gusto syang ariin. No string attached, iyon ang isa mga rules nya, hindi naman sya namimilit, ang mga babae ang namimilit na isingit ang mga sarili sa kanya. Ayaw nyang pinupuntahan sya at parang magdamdam na kung bakit hindi na nya pinupuntahan ang mga ito. “Bakla ka yata eh!” ani nito na ikinagalit nya ng husto. Ayaw na ayaw pa naman nya na sinabihan syang bakla, nakakainsulto kaya yon sa p*********i nya. “Hindi ako bakla at napatunayan ko na sayo yan.” galit na sabi nya. “Then let’s do it inside your car. At hindi na kita guguluhin.” Sa inis nya, pabigla nyang siniil ng halik ang labi nito na agad naman tinugunan nito. Halik na hindi man lamang nagpawala ng katinuan nya. Wala naman sya plano na pagbigyan ito, gusto lang nya itong mapahiya sa panggugulo nito sa kanya. Ibinaba nya agad ang halik sa leeg nito, para pa syang nandidiri dito. Alam kaya nya kung sino-sino lang ang kahalikan nito. He doesn’t have a plan of having s*x with her right now, wala pa naman sya dalang protection. Agad nyang binuksan ang butones ng blouse nito, saka hinalikan ang punong dibdib nito, habang ipinasok naman nya ang kamay sa ilalim ng palda nito, may hinihimas sya doon na nagpaungol dito ng husto, agad nyang tinanggal ang BRA nito, nalantad ang malaking dibdib nito sa paningin nya, hindi man lamang sya nakaramdam ng pagnanasa. Plano nyang ihagis sa labas ng kotse ang suot nitong BRA kaya ginawa nya-- hihinto na sana sya sa ginagawa nya nang may sumigaw bigla. --- Palinga- linga sa paligid si Haylee, hinahanap ng mga mata nya kung nasaan ang pintuan na patungo sa loob ng kompanya nang biglang may naglanding na kung ano sa harapan nya. Napasigaw sya bigla nang napagtanto kung ano ang naglanding sa harapan nya. Napabaling sya sa kung saan galing yon at nanlaki ang mga mata nya nang nagkatama ang mga mata nila ng isang impaktong lalaki. ---- “Haylee, namumutla ka yata ija.” Salubong na tanong sa kanya ng ninong nya, pagpasok palang nya sa opisina nito. Kinalma nya ang sarili. Talagang walang pinalalampas na lugar si Aki, pati ba naman sa park area ng kompanya ng pamilya nito. Mabuti na lang at nakita nya agad ang pintuan papasok sa kompanya, bago pa sya awayin nito. Walang lingon- lingon na iniwan nya ang mga ito. Baka sabihan na naman syang intruder. “Wala po ‘to ninong.” Nakangiting sabi nya dito. “Paano ka uuwi? After 2 hours pa kasi ako uuwi. May hinihintay pa kasi ako.” nakangiting sabi nito. “Sayang at nakauwi na si Aki, kung alam ko lang na ikaw ang maghahatid nito. Sinabi ko nalang sana kay Aki na hintayin ka.” -- Hindi pa po sya umuwi. Nasa parking lot pa sya. At malamang, may kababalaghan ginagawa sya ngayon. -- “Kayang- kaya ko pong umuwi ninong.” --- Inis na inis si Aki. Galit na galit talaga sya kay Cindy, kaya pinalayas nya agad ito. At binabantaan na hindi magugustuhan nito ang gagawin nya kung babalikan pa sya nito. Sa lahat ba naman na pwedeng makakita sa kanila, si Haylee pa. Ano nalang kaya ang iisipin nito? Bakit ba ito na lang lagi makakahuli sa kanya? Nakakabanas talaga ito. Napangiti sya nang nakita na papalabas na ito ng kompanya. Alam nyang magco-commute lang ito kaya hinintay nya talaga ito. Mabuti nalang at nakaisip agad sya ng paraan para mawala sa isip nito ang nangyari kanina. Kailangan nya lang ng kunting drama. Mabagal lang ang takbo ng kotse nya, habang sinusundan ito. ---- Medyo malayo pa ang lalakarin ni Haylee. Hindi naman sya matatakutin na maglakad mag-isa. Hindi naman madilim. Tinanggihan nya ang offer ng ninong nya na ipapahatid sya ng driver ng kompanya. “Hi.” Natigil sya sa paglalakad ng may lumapit sa kanya na dalawang lalaki na mukhang mga maniac. Nakaramdam sya ng takot pero hindi ipinahalata. Saan kaya nanggaling ang mga lalaking ito. Impossible naman na nakapasok ito sa main gate ng MCI na medyo malayo pa. “Anong kailangan nyo?” matapang nyang tanong sa mga ito. “Ikaw ang kailangan namin.” Saka hinawakan ng isa ang kamay nya. “Masarap ito pare, maganda at maputi.” Natatakot na talaga sya. Malayo pa ang gate, malayo pa ang mga guard. Bakit ba nakapasok ang mga ito? “Bibitawan nyo ba ako o magsisigaw ako.” may pagbabanta sa boses nya. “Para sabihin ko sa inyo, marunong ako ng taekwondo.” Hindi sya dapat magpakita ng takot. Binawi nya ang kamay na hinawakan ng isa. “Gusto ninyong paliliparin ko iyang mga pangit nyong pagmumukha?” “Pangit daw pare.” Ngumisi pa ang mga ito. Umaksyon siya na tila handa nang paliparin ang mga ito. “Gusto ninyong paliparin ko kayo, hindi ako nagbibiro.” Parang hindi na nya kayang itago ang takot nang nakangisi ang mga ito na lumapit sa kanya. Mas mabuti pa na mamatay na sya kaysa maisagawa ng mga ito ang plano ng mga ito sa kanya. Pero, wala naman kabuluhan kung ito lang ang dahilan na mamatay sya, 2 weeks nga syang nasa coma noon, siguro naman meron pa plano ang panginoon sa kanya kaya binuhay sya, sana naman may dumating na knight in a shining armor nya. Lihim tuloy nyang hiniling na sana dumating si Aki. Sa isipin iyon may biglang huminto na sasakyan sa bungad nila at mula doon lumabas ang kanyang tagapagligtas, agad na pinatumba nito ang mga lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD