EPISODE 34 "Kuya? Sister-in-law?" Tinapos na muna ni Primo ang pagbalik ng ointment sa first aid kit bago lumingon. Wala pa kaming suot na damit kaya kaagad na siyang tumayo sabay kuha ng sleeping robe para sa aming dalawa. "Wear this, Wifey, si Dos lang naman 'yan." Tinanggap ko na ito at isinuot. Sabay na rin kaming naglakad ni Primo papunta sa pinto para buksan niya ito. Mabuti na lang at natapos na namin ang ginagawa namin kanina bago pa man kumatok si Dos. "What do you want—Mom?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nasa likuran na pala ni Dos si Doktora Mathilda habang masama ang tingin nito sa akin. Kahit si Primo ay bahagya ring nagulat nang makita ang kaniyang mommy na nandito sa harapan ng kaniyang kwarto. "Kuya, sorry, si Mommy kasi—" "Why are you two wearing a sleepin

