KABANATA 4

1406 Words
EPISODE 4 Sinamahan na kami ni Primo papunta sa third floor nitong mansiyon nila. Ang dami naman nilang mga katulong dito pero siya talaga at ang kapatid niyang si Dos ang naghatid sa amin. “This will be your room from now on, Leng,” saad ni Primo sabay bukas ng napakalaking pinto. “Wow! Ang laki naman po nito, Kuya Primo!” nakangiting pahayag ni Leng nang tuluyan na kaming makapasok. “Mas malaki pa po ito sa bahay namin, e. Tsaka ang ganda po, thank you!” Nagulat ako nang biglang nilapitan ni Leng si Primo sabay niyakap nang mahigpit. Hindi lang kasi ako sanay kay Leng na malapit sa mga lalaki dahil simula noong namatay si Papa, hindi na ito lumalapit sa kahit sinong lalaki. Kahit nga mga pinsan namin ay hindi niya rin pinapansin. Primo smiled at her. “Anything for you, Leng.” Ibinaba ko na rin ang bag kong dala na may laman na mga libro ko at ibang dokumento naming dalawa ni Leng pero kaagad naman akong nilapitan ni Primo sabay dampot ng mga iyon. “You’re not staying here. You’re sleeping in my room.” “Ano? Hindi puwede—” “Sige na, Ate, samahan n’yo na po si Kuya Primo,” usal sa akin ni Leng. “Gusto ko rin kasing maranasan na mag-isa sa kwarto ko.” Marahan ko na lang na ginulo ang buhok nito dahil ayaw niya talagang makasama ako sa kwarto dati pa. Iyon nga lang, wala kaming choice sa bahay dahil dalawa lang naman ang kwarto doon. Kami ang gumagamit sa isa samantalang sila Tita Mae naman sa kabila. “Oh, siya, sabi mo, e.” Lumabas na rin kaming dalawa ni Primo papunta sa kwarto niya. Sa lahat ata ng mga pinto rito ay kakaiba ang kaniyang pinto dahil double door ito. Nang binuksan na niya ito ay nagulat ako sa ganda ng interiors. Para ka lang nasa loob ng isang VIP hotel dahil sa ganda ng mga furnitures. “Grabe, kasinglaki na yata ng buong bahay namin ‘yang kama mo, Sir,” usal ko habang nakatitig pa rin doon. Para kasi itong kama sa mga fairytale na mayroong nakapalibot na kurtinang makakapal. Nakikita ko lang ‘to sa mga movies at classic films pero hindi ko naman akalain na makikita ko ito sa personal. “It’s Baldacchino Supreme Bes designed by Stuart Hughes from Toronto,” paliwanag niya sa akin sabay h***d ng kaniyang suit. “And don’t call me, Sir. Remember, I’m your boyfriend.” Hindi ako makalingon dahil baka kung ano pa ang makita ko kaya nakatayo pa rin ako sa tapat ng kaniyang kama hanggang ngayon. “Ah, sige po. Tsaka hindi ko po kilala ‘yan, e. Ang Stuart lang na nakilala ko ay iyong nasa TicTac na nagsasayaw.” Wala akong narinig na sagot galing sa kaniya kaya dahan-dahan na akong napalingon at tamang-tama naman na kakahubad niya lang ng kaniyang sando dahilan para makita ko half-n***d niyang katawan. “Ay, sorry po!” Tumalikod na kaagad ako pabalik. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Sir. “It’s fine, Samara.” “Oo nga po pala, bago ko makalimutan ang lahat.” Humarap na ulit ako kay Primo at mabuti na lang dahil nakasuot na ito ng puting t-shirt. “Si Leng po ay nag-aaral pa at medyo malayo na po rito ang paaralan niya—” “Homeschool. It better suits her until she graduates middle school,” pagputol sa akin ni Primo. “Tsaka ako rin po, nag-aaral pa ako kaya palaging maaga po ang alis ko at minsan ay ginagabi na rin ako pag-uwi—” “I’ll drive you to school and also fetch from there.” Napangiwi na lang ako kay Primo dahil hindi niya ako hinahayaang tapusin ang mga sasabihin ko. “Hindi n’yo naman po ako kailangang ihatid. Tsaka, matagal ko nang nakikita sa mga balita at diyaryo na busy po kayong tao.” “Just…let me drive you to school then. Ipapasundo na lang kita sa driver after that,” aniya sabay ngiti sa akin. Tumango-tango na lang din ako. “Sige po.” Alam ko naman ang rason kung bakit sobrang bait sa akin ni Primo. Nakikita niya sa akin si Mikana, ang girlfriend niya na iniwan siya sa hindi ko naman alam na dahilan. Pero sa tingin ko, win-win situation lang din kami ngayon. Ginagawa ko ‘to para sa kapatid ko at tinanggap niya rin ako rito para hindi siya ganoon ma-distract sa work at malungkot. Handa rin naman ako kapag mayroon pang hingin si Primo sa akin maliban sa presensiya ko rito at sa pagsama ko sa kaniya. If he wants my body…then he could, para kay Leng. Pagkatapos naming mag-dinner, sinamahan ko na muna si Leng sa kaniyang kwarto hanggang sa makatulog na ito. Wala na rin siyang dapat problemahin dahil ang abogado na ni Primo ang bahala sa kaniyang mga papers at homeschool naman siya rito kaya hindi na ako mahihirapan sa pagbantay. “Good night, Leng. Gagawin ni Ate ang lahat para gumaling ka lang…” Dahan-dahan na akong lumabas ng kwarto ni Leng at bumalik na sa kwarto namin ni Primo. Ito ang unang beses na matutulog ako katabi ng isang lalaki kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kahit pa kasi na may ex ako ay tamang holding hands lang sa public. Ni-hindi pa nga ako nagkaroon ng first kiss. Nadatnan ko si Primo na naka-upo sa couch sa gilid ng kaniyang kama habang may inaayos sa kaniyang laptop. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka busy ito at mapagalitan pa ako. Dumiretso na lang ako sa kama at nahigo roon. Kahit yata sampo pa kami ritong humiga ay kasyang-kasya pa rin sa sobrang lawak. “Why are you wearing a hoodie?” Napatingin ako kay Primo nang natungin na niya ako. “A-ah, a-ano po kasi…malamig ang aircon.” “Wait, I’ll reduce the coldness.” Tumayo na siya at kinuha ang remote para sa aircon. Buong akala ko ay babalik pa siya sa kaniyang ginagawa pero nagulat na lang ako nang isinara na niya ang kaniyang laptop at tumungo na rin sa kamay sabay higa. Para akong sementong hindi makagalaw dito dahil sa kaba. Hindi naman kami ganoon kalapit sa isa’t-isa pero ‘yung kabog ng dibdib ko ay sobrang lakas. “Take off your—” “Opo, Sir!” Dali-dali na akong bumangon at hinubad ang hoodie ko. Kahit na nanginginig ako sa kaba ay kailangan ko ‘tong gawin para sa kapatid ko. Hinubad ko na rin kaagad ang t-shirt ko hanggang sa b*a ko na lang ang natira. Akma ko na sanang huhubarin ang b*a ko nang bigla akong pinigilan ni Primo. “What are you doing, Sam? Why are you taking your clothes?” Napataas naman ang kilay ko kay Primo. “Kakasabi n’yo lang po na maghubad ako, ah.” “It’s not what I meant.” Kinuha na niya ang t-shirt ko at ibinalik na sa akin. “Wear your t-shirt before I get mesmerized.” Umiwas na siya ng tingin sa dibdib ko. “I only want you to take off your hoodie para komportable kang makatulog.” “Ganoon po ba…” “Good night and thank you for accepting my deal with you,” saad pa niya sa akin at bumalik na sa pagkakahiga sabay talikod. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko. Si Primo ang unang lalaki na nakakita na naka-b*a lang ako kaya kaagad ko nang isinuot ulit ang t-shirt ko at napahiga. Sa maikling pagkakataon hindi ko namalayan ang sarili kong nakangiti na pala. Ang buong akala ko, kapag binayaran ka na ng isang mayaman o ginawang collateral, impyerno ang magiging buhay mo dahil gagawin kang parausan, pero hindi naman pala ganoon si Primo. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ko dahil kay Primo, pero alam kong hindi naman ‘to magtatagal dahil kapag bumalik iyong Mikana na iyon, alam kong iyon na rin ang panahong aalis kami rito ng kapatid ko. Pero sana kapag nangyari ‘yon ay graduate na ako para hindi ako mahirapan. “I won’t leave you alone Sam, don’t worry…” Nagulat ako nang biglang magsalita si Primo habang nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero napangiti na lang ako at ipinikit na lang ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD