EPISODE 12 “Mahimasmasan ka, Samara! Kaya lang naman nahuhumaling sa’yo si Primo dahil kamukha mo si Mikana!” Ilang beses na akong naghilamos dito sa restroom habang pinipisil ang pisngi ko para mawala na ang sakit ng puson ko. Hindi ko akalain na maa-attach ako nang ganito sa isang tao sa loob lang ng ilang linggo naming pagsasama. Simula noong lumabas si Primo sa kwarto kasama si Dos ay ilang minuto na itong hindi pa nakakabalik. Nagtaka na ako dahil madalang naman siyang lumabas kapag gabi lalo na at nandito ang cellphone niya nakabukas pati na rin ang laptop. Pero siyempre, I would never check his phone or other things dahil privacy na niya iyon. Lumipas pa ulit ang limang minuto na hindi pa rin bumabalik si Primo, lumabas na ang ako ng kwarto niya at nasulyapan ko kaagad ang ilan

