Masayang-masaya si Leng dahil nagkaroon kami rito ng mini picnic sa labas ng bahay. Medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil hindi ko pa naman jto masyadong dinadala sa mga lakad namin sa pagiging sensitibo nito dahil sa kaniyang karamdaman. “Anong oras ba kayo pupunta sa duty n’yo, Trix?” tanong ko pa kay Trixie habang nag-aayos na kami nitong mga pinagkainan namin sa labas. Napatingala na sa akin si Trixie habang inaayos ang picnic mat. “Aalis din kami maya-maya, Sam, pero hihintayin ko munang makapag-ayos si Dos para sa bahay na lang ako mamaya ang hihintayin niya papasok.” “Sige, okay na rin ‘to at ilang linggo na lang Clinical Graduation na natin. Pagkatapos ay balik na ulit sa school para sa natitirang mga lectures natin.” “Kaya nga, preparation na rin for the board exam pagkatapo

