Matapos ng pasurprisa ni Gaspard. Nagkaroon ng fiyesta matapos isambalita sa buong ka-islaan ang pagbili nito ng Isla. Marami din nag congratulate kay Madeline na mga residente at kapitbahay. Mangha-mangha sila na iyong dating ligaw lang sa isla ay siyang bumili mismo nito. Nagpakain si Gaspard, marami natuwa. Namigay din siya ng pera lalo na sa mga simbahan doon, isa na doon iyong kumbentong papasukan sana noon ni Madeline at nakatanggap ng isang milyon donasyon na pera mula sa loyola incorporation. Matapos ay binisita muli nilang dalawa ang burol ng ama at katabi nun ang burol rin ng kanilang unang anak na nawala. She didn't really expect that to happen. Ang akala ni Madeline ay thomb house lang iyon ng kanyang ama but she was wrong, andoon din ang dapat na panganay nilang anak. Inil

