Madeline POV Gabi na at hindi pa rin kami natigilan magkulitan ni Luningning. Nakakamiss iyong mga araw nung bata kami na naglalaro ng taya-tayaan, maligong hubad sa dagat at sa ulan at iba pa. Ang bilis ng panahon, ngayon may anak na ako at asawa. Hindi ko inaakala na ganito ang sasapitin ko sa kanila. Nalulungkot lang ako na si Ivan na kasa-kasama din namin maglaro noong bata pa kami ay nag iba na. Hindi ko alam paanu niya naisipang ihiram ako sa mga kaibigan niya na maging parausan. Hindi ko akalain na binago na talaga siya ng mga bago niyang kaibigan na mga taga Maynila. Tuwing naiisip ko naman si Ranz. Hindi ko alam kung matutuwa pa rin ako o hindi. Bakit noong sa probensya kami ni isang senyas ng pagkabakla niya ay hindi ko ramdam. Maliban sa mahilig siya sa pink at malinis at lagi

