Gumabi na bago umalis sina Madeline at Luningning sa bahay. Natutulog si Gaspard kasama ang anak at hindi nagpaalam ang dalawa dahil ang sabi sa kanila ni Ivan mabilisan lang. Nang makarating na sila sa tagpuan. Nakita nila si Ivan. Marahan siyang lumapit sa kanila sa lumang bodega na tagpuan. May namuot na pangamba si Madeline na di niya maintindihan. "Buti naman nakadalo kayong dalawa sa tagpuan natin mga kababata ko. Lalo ka na Madeline." Nagtaka naman si Madeline dahil sa pagkalapit niya sa kanila at nalagpasan ang dilim na sulok na parte ng bodega. Mukhang ibang iba na ito sa Ivan na kilala nila. Isang payat, magulo ang buhok, pawisin, nangingitim ang gilid ng mata at mapupula. "Ivan, ano nangyari sa'yo. Bakit ganyan ang itsura mo?" Panghihinayang ni Madeline at medyo binalutan n

