Ava's POV
"Bilisan mo na Ava." Sigaw ni Liza na naghihintay sa labas ng kwarto.
May after party sa bahay nila Archi. Ang leader ng soccer team, lagi kaming umaattend ng after party. Nakakalungkot lang kasi huli na ito, graduate na kami.
Kinuha ko ang sleeping pills sa kabinet ko pagkatapos nilagay sa sling bag.
Binuksan ko ang pinto. "Tagal bes. Tara na andiyan na sila."
Sinundo kami ng mga kaibigan namin. Were like a mean girl sa buong school.
Mabilis lang kaming nakarating sa bahay ni Archi. "Mean girls in the house." Sigaw ng mga kalalakihan. Napailing nalang ako, lasing na ang iba kahit ka uumpisa palang ng party.
Hinanap ng mata ko si Evan, nakita ko itong masayang umiinom ng alak habang may kausap. Pansin ko na paunti unti lang ang inom nito. Tumingin ako sa mga kasama ko wala na sila, may sari-sarili nang kausap.
Lumapit ako kay Evan. "Hi kamusta?"
"Nandito ka pala. Okay lang ikaw?" Tanong niya.
"Okay lang din. Hindi ka masyado umiinom. Hindi ba masarap? Patikim nga." Tinungga ko ang alak sa baso. "Masarap naman. Ayaw mo?"
"May lakad pa kasi ako maya maya. May date kami ni Kylie." Kylie na naman, naririndi na ako sa pangalan nito paulit ulit nalang.
"Inom tayo, mamaya pa naman pala yun." Tinawag ko ang mga kagrupo ko. "Girls let's drink para sa pagkapanalo nila. Cheers"
Nagsigawan sila at lumapit kay Evan. Inalok itong uminom kaya wala siyang nagawa kundi tunggain ang laman ng baso.
"Alish na ko pars. Si Kylie." Sabi niya, pagewang gewang na rin itong maglakad.
"Pars pahinga ka muna sa taas ng kwarto ko. Maya maya ka na uwi."
Tumawa naman ako tila hindi ko narin alam ang ginagawa ko, yung sleeping pills na ipapainom ko sana kay Evan, hindi ko na naisip ngayong gabi.
Dinala kami sa kwarto ni Archi, nahihilo na din ako. "I want to go home." Sabi ko kay Liza.
"No matulog ka muna. Then will go home. Wag ka malikot tulog si Evan sa tabi mo."
Pinikit ko ang mata ko, narinig ko ang pinto hudyat na lumabas na sila Liza. "Uwi na ako, ayoko sayo Evan. Masama ka! Feeling mo pogi ka. No no no." Sabi ko at sinampal ang pisngi niya.
Minulat naman nito ang mata at yumakap sakin. "Kylie."
"G*go hindi ako si Kylie. H*yop na to." Dinaganan ako nito at paulit ulit na tinawag ang pangalan ng babae. "Ang bigat mo."
"Mahal kita." Sabi niya at humalik sa labi ko. 'Mahal niya daw ako.' Napangiti ako sa sinabi niya at sinabayan ang halik niya dahil nagustuhan ko narin ito.
Tinangay kami ng init ng katawan, hindi ko na alam ang kasunod na nangyari.
----------
"Ava Cecil wake up. What the f*ck?" Boses ni Dad.
Babatiin ko sana ito nang may gumalaw sa gilid ko. Nagulat ako ng makita si Evan na walang suot na pantaas.
"Tumayo ka na diyan at magbihis ka. Wala kang kahihiyan sa ginawa mo. Your such a b*tch!"
"Dad." Napaiyak ako sa sinabi nito, ngayon niya lang ako sinabihan ng ganito at labis akong nasaktan. "I'm sorry."
Sinuot ko ang malaking tshirt na nasa gilid, nagbihis na rin si Evan.
Tumayo ako sa kama, hinatak ako ni Dad palabas ng kwarto. Masakit ang buo kong katawan.
"Dad nasasaktan ako." Umiiyak na sabi ko.
"Mas masasaktan ka pa mamaya dahil sa kahihiyan na ginawa mo."
"Sir mawalang galang na---"
"Sino ka? Anong ganap mo sa buhay ng anak ko. Wag mo akong pakialaman." Tinulak niya si Evan kaya napaupo ito sa sahig.
Iyak lang ako ng iyak hanggang dumating sa bahay. "Dad, Mom i'm so sorry."
"Pinagaral kita, hinayaan kita sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay mo." Galit na sabi ni Daddy. "Pero yung ganitong bagay Ava? Wala ka pang napapatunayan. Paano kung mabuntis ka? Anong gagawin mo sa bata? Iaasa mo samin? Nagiisip ka ba? Akala ko ba matalino ka."
"I'm sorry po, hindi ko po alam ang nangyari. I was drunk."
"Yun ang boyfriend mo diba?" Hindi ako sumagot sa tanong niya, sigurado akong lalo siyang magagalit kapag nalaman niyang hindi ko boyfriend si Evan.
"I'm really dissapointed to you Ava." Iniwan ako nitong umiiyak sa sahig.
Hindi ko masisisi si Dad, kung ako ang nasa kalagayan niya baka ganito rin ang gawin ko, kulang pa nga ito sa sama ng loob na binigay ko sa kanila.
Inaamin ko, gusto kong painumin si Evan ng sleeping pills para makasama ito ng matagal pero hindi pumasok sa isip ko na may mangyayari samin. Wala sa bokabularyo ko ang bagay na yun, kahit naman b*tch ang tingin nila sakin may limitasyon parin ako sa sarili, gusto ko itong ibigay sa taong pakakasalan ko.
----------
Dalawang linggo akong hindi pumasok sa school. Pinatay ko ang phone ko para walang makacontact sakin.
Maaga akong nagising kasi masama ang pakiramdam ko. Nasusuka ako tapos nahihilo.
Kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Tinawagan ko si Liza at patagong pinabili ng pregnancy test.
"Liza natatakot ako. Anong gagawin ko kung magbunga?" Tanong ko.
"It's a bleassing kapag nagbunga." Sagot niya.
"Pero hindi niya ako mahal. May girlfriend siya."
"Natututunan magmahal ang puso. Itry mo na ang pregnancy test tapos balitaan mo ako." Napalunok ako bago tumango.
Pumasok ako sa cr, kinakabahan ako habang hinihintay ang resulta. Napahawak ako sa bibig at napaiyak ng makita ang dalawang linya sa PT.
"Ava open the door. What is happening?" Sigaw ni Liza sa labas.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. "I---i'm pregnant. Anong gagawin ko?" Yumakap ako kay Liza, nanlalambot ang tuhod ko.
Tinulungan niya akong magsabi sa parents ko ngunit galit na galit sila.
"I'm sorry." Ang paulit ulit kong sinasabi sa kanila.
"Wala na yung pangarap ko sayo Ava, tinapon mo na ang lahat. Bakit ganito? Anong pagkukulang namin sayo anak." Umiiyak na pangangaral nila.
Nasampal pa ako ni Dad sa labis na galit nito. Nagpalipas ako ng isang gabi sa bahay nila Liza, palilipasin ko muna ang galit nila sakin.
Kinagabihan hindi ako makaramdam ng antok kaya naman tinext ko si Evan na makipagkita sa park ng subdivision nila Liza.
Pumunta naman ito. Naghintay ako dito sa may swing. "Bakit mo ako pinapunta dito?"
Hindi ako magpapaligoy ligoy pa, he needs to know the truth. "Evan i'm pregnant." Nagulat ito sa sinabi ko at hindi makapaniwalang tumingin sakin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Tumulo ang luha.
Lumapit ito sakin kaya nagkaroon ako ng pagasa na yakapin siya.
Dahan dahan niyang hinaplos ang likuran ko."I don't know what to do. Galit na galit ang parents ko."
"Pananagutan ko ang bata. Hindi lang ikaw ang dapat umako sa mali nating ginawa." Seryosong sabi niya.
"Thank you Evan." Napapikit ako, iba ang pakiramdam kapag kasama siya.
Sana lang totoo ang sinasabi niya.
----------
Umuwi ako ng bahay kinabukasan. Masama na naman ang pakiramdam ko at alam kong dahil ito sa pagbubuntis ko.
Hindi ako makahingi ng tulong kay Mommy dahil nahihiya ako, dito lang ako sa kwarto buong araw, hindi rin ako sumasabay sa kanila sa pagkain.
Hindi ako tinawagan or tinext ni Evan mula nang magkita kami sa park. Wala ata itong pakialam sakin.
Dumating ang araw ng exam saka lang ako pumasok, mabuti nalang binigyan ako ni Liza ng reviewer.
"Kain na tayo?" Tanong ni Liza.
Kanina ko pa hinahanap si Evan ngunit hindi ko ito makita.
"Crowded kasi sa canteen. Tsaka hindi pa ako gutom. Papahangin lang ako sa terrace."
"Sige sunod ako sayo. Kain lang ako." Tumango ako at nagpunta sa terrace ng school. Huminga ako ng malalim nang maramdaman ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat.
"Magusap tayo please." Nakarinig ako ng ingay na paakyat kaya naman nagtago ako sa likod ng pinto.
Nakakahiya naman na may nagaaway na magjowa tapos nandito ako.
"Ano bang problema mo?" Galit na sabi ng babae.
Wait! Kilala ko ang boses na yun, si Kylie yun ang girlfriend ni Evan.
"Magusap tayo Kylie please. Wag naman ganito."
"Ano pa bang paguusapan natin? Niloko mo ako Evan."
"Hindi yan totoo. Mahal na mahal kita mali ang nangyari samin ni Ava."
"No Evan, ginusto mo yun. Nabuntis mo nga eh. Hindi ko na alam kung ano ang balak mo sa relasyon natin." Umiiyak na sabi ni Kylie, pinaghahampas pa nito ang dibdib ni Evan.
Alam kong masakit para sa kanya ang nangyayari ngayon. Sarili niyang boyfriend nakabuntis.
"I'm not gonna leave you. Ikaw ang mahal ko. Pananagutan ko lang ang bata."
"Paano si Ava?"
"Yung bata lang ang pananagutan ko." Tila may tumusok na karayom sa puso ko, na-misinterpret ko na naman ang sinabi nito. Akala ko pananagutan niya ako. "Alam kong maiintindihan ako ni Ava, sasabihin ko sa kanya na ikaw ang mahal ko. Maaayos lahat ng ito. Magtiwala ka lang sakin please."
"Mahal din kita Evan. Magtitiwala ako sayo." Sabi ng babae at yumakap sa lalaki.
Ang sakit nila sa mata. Hindi ako papayag na kayo lang ang masaya. Akin si Evan pinapangako ko yan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.