Chapter XVIII – Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko

2824 Words
Chriden Point of View Isang linggo na ang nakakaraan simula nung kinausap ko si Francisco. Okay na siguro yun. Tama na siguro. "Hi! Pwede bang makiupo sa tabi mo?" Bati sakin ni Jerome. Ito pa pala ang isa. Kinausap ko narin itong taong ito. Kaso, wala daw siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao o kung ano man ang maging epekto basta gusto daw niya ako. Pinaliwanag ko narin sa kanya na hindi ko pa alam. Kinuwento ko rin sa kanya ang nangyari samin ni Francisco. "Salamat!" Nakangiti niyang sabi kahit hindi ko pa sinasagot ang tanong niya. "Hmm.. May lakad ka ba after class?" Diretsong tanong niya sakin. May lakad nga ba ako? May pupuntahan nga ba ako? "Wala naman.. Bak-" "Yessss! So, pwede kitang yakagin." Biglang putol niya sa sinasabi ko. Ano ba namang klaseng tao ito. Ganito ba talaga si Jerome? Parang hindi naman eh. Kapag kasi nakikita ko siya kasama ang mga kaibigan niya ay sobrang tahimik ito. Yung tipong hindi pagmumulan ng kahit na anong conversation. "Den bago mo ituloy ang kalandiang taglay mo gusto kong ipaalam sayo na absent si Ugly duckling!" Sabay kaming napalingon ni Jerome sa pinanggalingan ng boses. Hindi nga ako nagkamali. Si Sheryl nga iyon. "Ugly duckling?" Halos sabay naming tanong ni Jerome. "Aba! Sino pa? E di si Maam Manaor na walang ibang ginawa kundi paghalu-haluin ang lintek na mga chemicals na yan!" Iritang sagot ni Sheryl. Takteng babae talaga ito oh! "Oh wala kang karapatang magreact! Hindi ka chemical!" Dugtong na sabi sakin ni Sheryl. Lakas makahugot ng babaeng ito ah! "Oh saan ka naman pupunta?" Tanong ko naman sa kanya nung aktong tatalikod na siya. "Nagugutom daw ang boyfie ko. Magpapakanton ako." Langya kang babaeng ubod ng utog! Hahaha! "Oh Jerome konting landi pa niyang si Den papakantunin ka na niyan." Kasunod nun ay malakas niyang pagtawa. Kapag talaga kalokohan ang pinaguusapan numero uno talaga si Sheryl. Ang saya kapag siya ang kausap. Hahaha! "Oh bakit? Anu nangyari sayo?" Puna ko kay Jerome nung nakatitig siya sakin matapos umalis ni Sheryl. "Talaga? Papakantunin mo ako?" Seryosong sabi ni Jerome. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano. Seryoso kasi yunh mukha niya habang nagtatanong eh. Hahaha! "Oo na! Mamaya papakanton ako" nakangiti kong sagot sa kanya. Nung narinig niya iyon ay lalong sumeryoso ang mukha niya. Takte tong taong to ah! Ano bang iniisip niya? Ano bang meron sa pagpapakanton? "Uy! Akala ko ba may lakad tayong dalawa? Wala si Mam Chem kaya tara na!" Untag ko sa kanya. Parang nawala kasi sa ulirat eh. . . . "Ang sarap noh?" Nakangiting tanong niya sakin. Tinitukoy niya ang fishball at kwek kwek na kinakain namin ngayon. Hindi ko inaakalang nakain pala siya ng mga ganitong uri ng pagkain. Nandito ngayon kami sa park. Nakaupo sa bermuda grass. Nasa kaliwa namin ang mga nagpapraktis ng sayaw. Beat from the street ata ang pangalan ng grupo ng mga iyon. (member dun ang mga naging studyante ko dati). Sa kanan naman namin ay ang mga batang naghahabulan ng hagarang upo. Ang gagaling nga eh. Kaso ang gugulo. Hahaha! Naririnig din namin ang nonstop lovesongs na nagmumula sa speaker na nakalagay sa baway sulok ng park. (Here I am - Air Supply). "Nakain ka pala ng mga ganitong uri ng pagkain" sabi ko sa kanya. "Bakit? Alien ba ako?" Sabay tawa. "Syempre naman. Masarap kaya ito. Paborito ko ito simula nung bata pa ako. Nag-uulam nga ako nito eh" dugtong nya. Talaga? Si Jerome na mayaman nag-uulam ng ganito? Nagpatuloy ang kwentuhan naming dalawa. Ang dami niyang kwento. Kinuwento niya yung mga nangyari sa kanya nung bata pa siya. Hanggang sa naikwento niya yung girlfriend niya. "Eh bakit kayo naghiwalay?" Mausisa kong tanong sa kanya. Tumingin siya sakin. Seryoso. "Diba nasabi ko na sayo yung dahilan..." Pagbabalik niya sa kanyang seryosong mukha. Jusko! Bakit ba nangati ang bunganga ko sa pagtatanong. "Nakipaghiwalay ako kasi gusto ko maging fair ako sa pagkagusto ko sayo." Seryosong dugtong niya sa kanyang sinasabi. Natigilan ako. Wala akong masabi. Walang mailabas ang bibig ko na kahit na anong salita. "Oh bakit parang nawala ka sa sarili mo? Hahaha! Nagiging tapat lang ako sa nararamdaman ko" nakangiting sabi niya. Nginitian ko siya at nagpatuloy nanaman ang pagkukwento niya. Hindi talaga nauubusan ng kwento itong taong ito. Napapatawa nga ako sa bawat kwento niya eh. Hindi namin napansin ang oras. Gabi na pala. Nagpasya na kaming umuwe. Hinatid ako ni Jerome sa bahay namin. "Oh pano? Salamat Rome ah!" Nakangiting paalam ko sa kanya. Nung aktong tatalikod na ako nung may narinig akong nagsalita. "Uy Den! Kanina pa kita inaantay. Ayos may kasama ka pa. Boyfriend mo?" Takte naman! Ang daming pagkakataon para umuwe ng bahay itong impaktong to oh! "Ha? Ah.. Eh.. Hindi Kuya.. Kaibigan ko" sagot ko sa kanya. Si Kuya Bingbong. Ang nakakatanda kong pinsan. "Oh pre uuwe ka na agad? Tara! Samahan mo muna ako. Shot tayo." Yaya niya kay Jerome. Tumingin sakin si Jerome. Yung tingin na nagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin. "Ah eh.. Kuya malayo pa uuwian ni Jerome kaya -" "Walang problema. Dito mo na siya patulugin. Maluwag naman ang kwarto mo diba?" Sagot ni Kuya. Aktong magsasalita pa ako nung namalayan ko na nasa loob na pala si Jerome at kasabay na si Kuya. Langyang yan! Hindi man lang inantay ang sagot ko! Pumasok na ako sa loob. "Magpapalit muna ako ng damit.." Sabi ko. Nung aktong aakyat na ako sa taas ay nakita kong nakatingin sakin si Jerome at nakangisi. "Kuya huwag ka maglalaseng ha! Nagpromise ka sakin na gagala tayo bukas!" Singit ni Chrien habang nakaupo ako sa harapan nila Kuya Bingbong at Jerome. Oo nga pala. Nakapangako ako sa kapatid ko. Kaya hindi dapat maparami ang iinumin ko. Ayoko naman masira ang pangako ko sa kapatid ko. Nandito kami ngayon sa likuran ng bahay namin. May nakaset up na speaker. Cellphone ni Kuya ang nakasalpak. Now playing: Bakit ngayon ka lang - JuanThugs Pangtambay lang ang iniinom namin. Empie lights. Lagi naman ganun iniinom namin ni kuya sa tuwing umuuwe siya ng bahay. Mahina daw kase ang tolerance niya sa beer. Jusko! Ako naman mahina sa ganito. Sa empie! Nagsimula ng magkwentuhan si Kuya at si Jerome. Usapang lalake. Di ako kasale! Hahaha! "Matagal na ba kayo magkakilala nitong pinsan ko?" Pag-iiba ni kuya sa usapan nila. "Matagal na. Pero hindi kami ganoong kalapit dati. Medyo may pagkasungit kasi yang si Den eh" -Jerome. Takteng to ah! Hindi mo ba alam nasa pamamahay kita! Aba! Kung makasabe to ng masungit ah! "Hahaha! Ganyan talaga yan. Kahit nung bata pa yan palaging masungit ang unang sinasabi sa kanya" nakatawang sabi ni kuya. Aba! Aba! Imbis na kampihan ako ng dugong na ito! "Oy oy! Baka nakakalimutan niyong andito lang ang taong pinaguusapan niyo!" Sita ko sa kanila dahilan para lumakas pa lalo ang tawanan nila. "Kuya peram muna ako ng cp mo. Maglalaro lang ako ng color switch" -Chrien. Ibinigay ko ang cellphone ko sa kapatid ko at nagpatuloy na muli ang kwentuhan namin. Sinabi ko kay Chrien na pumasok na sa kwarto niya at doon na siya. Medyo gabi na kasi. Kapag naman nawili yun sa kalalaro ay kusa na iyong makakatulog. "Den gusto mo ba ulit bumalik sa banda?" Pagbabago muli ni Kuya sa usapan namin. Natigilan ako. Napatingin ako kay kuya. Yung tingin na ipinaparating ko na hindi ito ang tamang oras para pagusapan ang ganoon. "Banda? Talaga Den? Kasali ka sa banda?" Interesadong tanong ni Jerome. "Oo. Vocalist ng banda yang pinsan kong iyan. Kaso, bigla nalang siyang umalis dati" dugtong ng manhid kong pinsan. Hindi niya naintindihan ang nanlilisik kong tingin sa kanya. "Wow! Gusto kong marinig kang kumanta Den." Nakangiting sabi ni Jerome. Nakita ko rin nakangiti si Kuya. Alam ko na ang nais iparating sakin ni Kuya. Flashback "Den, totoo ba yung sinabi sakin ni Elaine na umalis ka na sa banda?" Diretsong tanong sakin ni Kuya pagkapasok ng pintuan. Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong nakaupo sa terrace namin. "Ano ba nanaman ang nangyayari sayo Den!?" Medyo tumataas na ang boses ni Kuya. Si Kuya kasi ang nagmamanage ng banda namin. Kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksyon nung malaman niyang bigla nalang akong kumalas sa banda. "Kuya, ayoko na muna. Gusto ko na muna magpahinga." Mahinahong sabi ko sa kanya. Matapos nun ay tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Tinabihan ako ni Kuya at inakbayan ako. "Siya nanaman ba?" Lalong nagdaloy ang mga luha ko nung narinig ko iyon sa kanya. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya at tuloy tuloy ng ang mga luha ko. "Nahihirapan kasi ako kuya. Sa tuwing kakanta ako, sa tuwing may gig tayo ay siya palagi ang hinahanap ko. Siya palagi ang hinahanap ng mga mata ko - ng puso ko" mahabang litanya ko sa kanya. "Tahan na. Darating din ang panahon may darating pang bago at mas higit sa kanya. Bigyan mo muna ng panahon ang sarili mo para malampasan ang pain na nararamdaman mo ngayon. You deserve someone better" -Kuya Bingbong. End of flashback "Kapag narinig mong kumanta yan Pre maiinlab ka!" Nakangiting sabi ni Kuya. "Hindi na kailangan. Inlove na inlove na talaga ako sa diyan" -Jerome. Natigilan pareho kami ni Kuya sa sinabi ni Jerome. "Oh may masama ba sa sinabi ko?" Kamot ulong sabi ni Jerome. Napangiti nalang si Kuya. "Osya - Jerome kung may time ka kung sakaling maisipan ni Den kumanta uli invite kita this coming Friday. Birthday ko" "No problem. Basta ba okay lang dito kay Den na sumama ako eh" nakangising sagot ni Jerome sabay tingin sakin. Tama nga ba itong ginagawa ko? Dati kasi napagdisisyunan ko na iwasan itong si Jerome. Pero bakit ngayon parang nasisiyahan yata akong kasama siya? Nalilito na talaga ako. Ang daming napagkwentuhan nila Kuya at Jerome. Halos lahat yata ay tungkol sakin. Si kuya ang pasimuno. Ito namang si Jerome ay ligayang ligaya at halatang gustong gusto ang pinag-uusapan. Naparami rin ang iniinom nila. Kaya eto. LASENG! "Den akayin mo na sa kwarto yang si Jerome. Ako na bahala dito" sabi ni kuya habang pupungay pungay ang dalawang mata. Sinunod ko ang sinabi ni Kuya. Inakay ko si Jerome papunta sa kwarto ko. Ang hirap nga eh. Ang bigat! "Uy! Jerome!" Sabay tapik ko sa kanya. Inupo ko sya sa dulo ng kama ko. Halatang laseng na nga siya. Nakayuko na kasi ang ulo niya. Hindi siya pwedeng matulog ng ganito. Nakasuot pa siya ng polo. Kumuha ako ng tshirt sa cabinet ko. Siguro naman kahit papaano eh magkakasya sa kanya ang damit ko. Damit? Teka. Ibig sabihin...potek! Parang ayoko. Hayaan ko nalang siya matulog ng ganyan. Mga ilang minuto rin nagtalo ang isip ko. Kaya ang ending kailangan ko talaga siyang hubaran para mapalitan ko siya ng damit. Pagbalik ko ng tingin kay Jerome ay nakahiga na siya sa kama. Nakapikit na. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinapik ko ang pisngi niya. "Tulog na nga..." Bulong ko sa sarili ko. Dahan dahan kong tinatanggal sa pagkakabutones ang suot niyang polo. Takte! Bakit ako pinagpapawisan? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Parang nawala ang tama sakin ng alak. Nung natanggal ko na ang polo niya ay bumungad sakin ang matipuno niyang katawan. Hindi ko alam ang nangyayari sakin pero napatitig talaga ako. Natulala ako. Nakatuon ang atensyon ko sa kabuuan ng katawan niya. Naagaw naman ang atensyon ko ng maamo niyang mukha. Nakapikit siya. Himbing na himbing sa pagkakatulog. Naalala ko nanaman tuloy ang mga sinabi niya sakin nung birthday niya. Hindi ko inaakala na ang ganitong klase ng tao ay magkakagusto sakin. Ang hirap paniwalaan - pero ang sarap sa pakiramdam. Ang dami mo ng kabutihan nagagawa sakin Jerome. Siguro panahon na para ako naman ang gumawa ng kabutihan para sayo. Gusto kong maging masaya ka. Gusto kong mapasaya kita. Nung aktong isusuot ko na sa kanya yung damit na hawak ko ay bigla nalang gumalaw ang kanyang kamay at dinala ako sa tabi niya. Niyakap niya ako. Sumubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. "Jerome..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. "Matulog na tayo...Maaga pa tayong gigising bukas." Mahinang sabi niya.   Jerome Kier Point of View Laseng ako pero nasa katinuan pa ako. Humiga na ako ako sa kama ni Den. Naramdaman kong unti-unti niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng polo ko. Tangna! Ano itong kakaibang nararamdaman ko? Bakit lalo akong nagiinit? Pinanatili ko lamang ang mga mata kong nakapikit. Naramdaman ko kasing tinapik ni Den ang pisngi ko at sinigurado niyang tulog ako. Naririnig ko siyang nagsasalita. May sinasabi siya. Lihin kong pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Ang sarap pakinggan. Sana palagi kaming ganito. Sana palagi ko siyang kasama. Bigla ko siyang inabot at ikinulong sa bisig ko. "Matulog na tayo. Maaga pa tayong gigising bukas" mahinang sabi ko sa kanya. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko. "Rome..na..narinig mo...ako!" Utal nyang tanong sakin. "Matulog na tayo... Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nanatili ka pang gising..." Sabi ko sa kanya. Napangiti ako nung sinabi ko iyon. Pasalamat nalang ako dahil nakasubsob siya sa dibdib ko at hindi niya nakikita ang mukha ko. "Goodnight Rome..." -Den. "Goodnight Den" mahinang sagot ko sa kanya. Medyo hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Gusto kong sulitin itong ganitong tagpo namin. Hindi parin nawawala sa isipan ko ang kinuwento sakin kanina ng pinsan niya. Yung tungkol sa banda. Napansin ko rin si Den na parang iwas siya sa tuwing paguusapan ang tungkol sa bagay na iyon. Flashback (Habang nasa CR si Den) "Hindi ko nga alam kung kailan huling kumanta yang pinsan kong iyan eh" komento ni Bingbong. Nagsalin siya ng tagay ay inabot sakin. Mabilis kong ininom yun at ibinalik ko agad sa kanya ang baso. "Sa tingin ko kakanta lamang yang si Den kapag handa na ulit yang magmahal. Masyado kasi siyang nasaktan sa naging karelasyon niya dati" seryosong dugtong ni Bingbong. "Ganoon ang batayan niya?" Interesado kong tanong. "Yun kasi ang hulinh narinig ko sa kanya. Sinabi rin niya na babalik lang siya sa pagkanta kung handa na ang puso niya" -Bingbong. End of Flashback Kailan ko kaya maririnig kumanta si Den? Kailan kaya uli siya kakanta? Kakanta pa kaya siya? . . . . . "Kuya Jerome promise pupunta tayo dun?" Nakangiting tanong sakin ni Chrien. Tinutukoy niya yung sky ranch sa tagaytay. Sinabi ko kasi sa kanya kanina na dun kami pupunta. "Naku Chrien ah! Huwag mong yayain kung saan saan si Kuya Jerome ha! Hindi pa nauwe ng bahay nila yan dahil nalasing kagabi" mahabang litanya ni Den dahilan para mapangiti ako. "Don't worry. Nakatawag ma ako kay Mama. Sinabi kong dito ako natulog sa inyo" diretsong sagot ko sa kanya. "Ha? Anong sabi? Baka magalit sakin yun kasi kinukunsinti kita sa pagiinom!" Nagaalalang ani niya sakin. "Nagpapasalamat pa nga sayo si Mama kasi hindi mo daw ako hinahayaan na sa ibang lugar makipag-inuman" muling sagot ko sa kanya. "Kuya mamaya niyo na pagusapan ni Kuya Jerome yan. Tara na! Para makagala tayo ng matagal" naiinip na pagyaya samin ni Chrien. Kinuha ko ang bag na dala ni Den. Nilagay ko iyon sa likod ng sasakyan ko. "Let’s go!" Ani ko sa kanila. Nasa likod si Chrien at hawak hawak ang tablet. Katabi ko naman ang taong mahal ko na lubos na ikinadadagundong ng puso ko. "Pasensya na nga pala Jerome. Naabala ka namin ngayong araw na ito" narinig kong sabi ni Den sakin. "Wala ka dapat ipagpasensya. Ang saya ko nga eh. Kahit araw araw tayong gumala o kahit saan tayo pumunta, okay lang sakin" nakangiti kong sagot sa kanya. Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Napagkwentuhan namin ang pinsan niya at yung ibang mga kaibigan niya. Natutuwa nga ako kasi hindi na siya naiilang magkwento ng magkwento sakin. Ang hindi niya lang nababanggit ay ang banda. Yun ang inaantay kong ikwento niya pero bigo ako. Sa tuwing sinasagi ko nga ang usapan tungkol dun ay halatang iniiwas niya ang usapan, kaya hinayaan ko nalang. Darating din naman siguro ang panahon na kusa na siyang magkukwento o kusa ko ng malalaman ang tungkol dun. Kumain muna kami sa isang fastfood bago tuluyang pumasok dito sa sky ranch. Bakas na bakas sa mukha ng kapatid ni Den ang saya. Kung saan saan nga ako hinihila ni Chrien eh. Sumakay kami sa rollercoaster, carousel (tama ba spelling? Hahaha) at bumpcar. "Hindi ka pa ba napapagod Chrien?" Narinig kong tanong ni Den sa kapatid niya. "Kuya kapag masaya ka sa ginagawa mo ay hindi mo mararamdaman ang pagod" seryosong sagot ni Chrien. Nagkatinginan kaming dalawa ni Den. Batang to ah! HumuWHOGOAT! Hahaha! Nagkangitian nalang kaming dalawa ni Den. Hinayaan namin kung saan gusto magpunta ni Chrien at kung ano ang gustong gawin nito. Naglaro kami ng ballgames at iba iba pang games na nandoon. Hindi namin napansin ang oras. Hapon na pala. Si Chrien naman ay eto karga karga ko. Nakatulog na sa balikat ko. Nasobrahan yata sa pagod. "Akina si Chrien. Baka mangalay ang balikat mo" sabi sakin ni Den habang naglalakad lakad kami sa tagaytay park. "Okay lang." Nakangiti kong sagot sa kanya. Naupo kami sa isang bench na nakaharap sa taal volcano. Ang ganda ganda ng tanawin. Kahit hindi na masyadong aninag ang taal ay maganda parin. Napapaligiran na kasi ng mababang ulap ang itaas ng taal. "Den..." Mahinang tawag ko sa kanya. "Oh?" Matipid niyang sagot. "Thank you for spending your time with me..." Diretsong sabi ko sa kanya. Napatingin siya sakin. Ewan ko ba pero totoo pala na nagiging makata ang isang tao pagdating sa love. "The little moments I spend with you, make my life beautiful...day by day..." Dugtong ko. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang iyan. Kusa nalang lumabas mula sa bibig ko. Ang nasisigurado ko lang ay nanggaling lahat ng yan sa puso ko. Nginitian ako ni Den at dahan dahan siyang lumapit sakin. "Thank you, Jerome..." Nakangiti niyang sabi sakin at pagkatapos nun ay niyakap niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD