KABANATA 23

1497 Words
"Dad," Litong tawag pansin ni Erick sa ama oras na mabuksan niya ang pintuan. "Chelsea, is here." Pabuntong-hiningang imporma ni Florence. Nagkatinginan si Erick at Sarah. Parehong gulat sa narinig. "Akala ko ba ay nasa isang krung-krung facility ang babaing iyon?" Takang ani Sarah. "Isang kru-? What?" "Whatever, tara na at baka magsabog ng lagim iyon. Sayang ang effort ni Joseph." "Alam mo ang tungkol sa proposal ?" "Syempre." Maikling tugon ng dalaga bago nagpatiuna patungo sa main lobby. Nahinto sa pakikipagsiksikan si Sarah nang mahagip nang kanyang paningin ang pinsan na naka-kapit ang mga kamay kay Olivia. Ibinaling niya ang paningin kay Joseph na noon ay hindi malaman kung ano ang dapat unahin. Si Chelsea na ngiting tagumpay habang pinapanood ang break-down ni Bianca, o si Bianca na kahit nais nitong lapitan ay tumatanggi naman. "Bianca!" Tawag niya sa pinsan subalit mas namayani ang boses ng mommy ni Joseph. Sa paraan ng pagturo nito sa exit at ang balasik sa mukha nito, maging siya ay napa-urong sa otoridad na hatid niyon. Naramdaman niya ang paghawak sa kanyang braso, batid niya kung sino iyon, ngunit ang buong atensyon niya ay naroon sa kanyang harapan. Ang pag-siwalat sa katotohanang namamagitan sa relasyon ni Joseph at Bianca. Kung siya na hindi involve sa buhay ng mga ito ay tila binuhusan ng isang timbang yelo sa kahihiyan at sama ng loob, paano pa kaya si Bianca? Sinundan niya ng tingin nang akayin ni Olivia si Bianca palayo. Maging nang sambilatin ni Gibson si Chelsea at sapilitang ilabas. Hindi man lamang niya napansin na wala doon ang mga tao sa paligid. Kung paano nangyari iyon, hindi niya alam dahil masyadong naging akupado ang isip niya sa mga naging pangyayari. "Alam mo?" Baling niya kay Erick. Mataman siya nitong tiningnan bago walang alinlangan na tumango. Hindi niya napigil ang sarili, bago pa man niya napigilan ang sarili ay dumapo na ang palad niya sa pisngi ni Erick. Ngunit, dahil 'di hamak na mas matangkad ito sa kanya ay umabot lamang iyong bagahi ng panga nito. "Alam mo, pero wala ka' ng ginawa!? Hinayaan mo'ng lokohin niya si Bianca?" "He loves her," Mahinang tugon nito. Naiiling na tinalikuran niya ang binata patungo sa direksyon kung saan dinala ang pinsan. "What do you want me to do? Their situation is complicated, I warned him before, but -" "But you don't want to be involve! Ayaw mo'ng magmula sa iyo ang sisi! You want your hands clean.. Isn't?" Tuya niya. "That's not it." Mariin bigkas nito. Pagak siyang natawa, ngunit hindi na siya tumugon pa. Mabibilis ang hakbang na iniwan niya si Erick. Sa pasasalamat niya ay hindi ito nagtangka na sumunod, pero may abnormal na bahagi sa kanya ang nanlumo. Umaasam na susundan siya nito. Baliw na nga din yata siya. Nanlumo si Sarah nang makita ang kalagayan ni Bianca. Mula sa bukas na pintuan ay malaya niyang nakikita at naririnig ang bawat hikbi nito habang patuloy itong pinapakalma ni Olivia. Bianca really loves Joseph, to the point that she's breaking down. Ilang ulit man niyang pinaalalahanan ang dalaga tungkol sa relasyon na nais nitong pasukin, kagaya niya noon ay batid niyang gagawin pa din nito ang gusto. Sa kung paano niya ginawa ang gusto din nang mga panahon na kulang na lamang ay sambahin niya si Erick. "Hey, can I come in?" Ang boses na iyon ni Joseph ang nagpabalik na naglalakbay niyang diwa. Masama ang tinging ipinukol niya dito na sinagot nito nang malamyang ngiti. "I know you're mad, and you have the rights to be. I screwed up, it's not like I'm going to hide it from her... It's just that, I wanna make things right first." "Hindi kita tinatanong." Mahinang asik niya sa takot na baka mabulahaw ang pinsan. "Yeah, but I wanted you to know. And I'm not giving her up. Not this time, not ever. Even if she doesn't want to be with me after all of this." Nakangiting anito matapos na bahagyang silipin ang dalaga sa loob ng silid. Naibaba niya ang paningin sa sahig. May hatid na kirot ang binitawan salita na iyon ni Joseph. Siguro nga ay mag-kaiba sila ng kapalaran ni Bianca. Mahal din naman niya si Erick, sobra...katulad nang kung gaano kamahal ni Bianca si Joseph pero bakit iba ang naging direksyon ng sa kanya? Walang kibo siyang umalis mula sa pagkakaharang sa pintuan at hinayaang makapasok doon si Joseph. Bago pa man niya marinig ang magiging pag-uusap ng mga ito ay lumayo na siya doon. Patungo na siya sa exit nang mamataan si Chris. Tatawagin na sana niya ang binata nang may lumapit ditong babae at uma-brisyete sa braso nito. Nagpalinga-linga siya kung saan maaring magtago. Ang kiosk o stand ng mini bar ang namataan niya kaya kaagad siyang nagtungo doon at tumalungko. Kipkip ang mga tuhod sa kanyang dibdib. "What a shame, huh.." Anang boses ng babae. Kumunot ang noo niya. Wala siyang natatandaan na idine-date ni Chris. Maliban sa pag-alis-alis nito na hindi din niya masyadong batid kung ano ang dahilan. "What do you want?" Ani Chris habang inaalis ang pagkakalingkis ng mga braso nito sa kanya. "Awe, don't be so cold. Let's talk to my place, how's that sound?" "I'm not interested." "Hmn, you used to be interested with everything about me. Remember?" "Don't be ridiculous. It's been so long ago." Natatawang kumalas ito sa kanya, bago siya hinarap at inayos-ayos ang suot niyang kurbata. Nanatili ang kamay nito doon, naglalandas sa kalaparan ng kanyang dibdib, pa-ibaba. "You're making me sad." Anito bago lumayo ng isang hakbang sa kanyang harapan. "Well, that can't be help. Anyway, you know where to get me when you need me. And oh, you can't keep your secrets from me Chris. Just so you know..." Tumatawang anito bago siya tuluyang tinalikuran. Nag-ngalit ang bagang niya sa galit, naikuyom ang mga kamay sa pagtitimpi. Wala siyang magawa kundi ang magngitngit. Things are getting messy, and he don't know how long he'll be able to avoid them. *** Natitigilang tumayo mula sa pagkaka-talungko si Sarah nang makaalis si Chris. Hindi niya kilala kung sino ang kausap nito, pero sa paraan ng pag-uusap ng mga ito ay natitiyak niyang higit sa pagiging magkakilala iyon. Alam ng babae ang sikreto ni Chris? Siya kaya iyon? Nag-aalalang tinungo niya ang exit, doon niya nakita si Bianca na inaalalayan isakay ni Joseph sa sasakyan. Nag-init ang bumbunan niya sa isiping tumiklop kaagad ang pinsan matapos ang pangyayari. Malalaki ang hakbang na sinimulan niyang lapitan ang mga ito pero kagyat din siyang nahila pabalik nang may pumigil sa kanya. "Get your hands off me you faggot!" Naghuhumiyaw na aniya, samu't sari na ang bumabagabag sa isip niya kaya wala siyang panahon na makipag-asaran kay Erick. Pinaghahampas niya sa kahit na anong parte na maabot ng kanyang mga kamay ang binata oras na maharap ito. "Shut up! Hindi mo problema ang problema nila! Stay out of their business!" Ganting sigaw ni Erick habang iniiwasan ang bawat atake niya kaya lalong nag-liyab sa galit ang dalaga. "Oh my God! Sarah!" Dinig niyang tili ni Bianca. Sa inis niya ay sa pundilyo ni Erick niya pinatama ang tuhod kung kaya kagyat siyang nabitiwan ni Erick. Pareho silang nawalan ng balanse kaya pareho din silang lumagapak sa pavement. "Holly s**t! You witch!" Daing ni Erick sapo ang nasaktang alaga. "Pahinog ka letse ka! Ako pa talaga sinabihan mo na huwag makialam eh kasabwat ka pala ng magaling mong kaibigan sa pagpapaikot kay Bianca!" Gigil na aniya. Doon na nakalapit si Bianca, pilit siyang inilalayo sa binata. "Ano ba! Tama na Sarah!" Awat nito sa kanya. "Umuwi na tayo." Hinuli niya ang kamay ng pinsan at saka hinila patungo sa kabilang bahagi ng parking pero humarang si Joseph. Nakikiusap ang mga mata niyang nakatitig sa kay Bianca. Pumaling ang tingin ng kanyang pinsan sa kanya bago kagat labi binawi ang kamay sa kanya. "Sasama ka pa din sa kanya? Seryoso ka ba? Nasaan ang utak mo? Sa talampakan? Dinapurakan mo na?" "Sa apartment ako uuwi. Pasensya ka na Sarah. Pero problema namin ito Joseph..please?" Hindi makapaniwalang minasdan niya ang pinsan, bago paulit-ulit na umiling. Masama ang loob na tumalikod siya sa dalawa. Halos magkanda-tapilok pa siya sa pag-hakbang. " Lumayu-layo ka sa akin Erick! Punyeta sinabi nang lumayo ka di ba?" Litanya niya nang sundan siya ni Erick at walang babalang binuhat na animo sako ng bigas. Marahil ay tantya na nito na pupuntiryahin na naman niya ang pundilyo nito kaya inipit ng binata sa isang kamay nito nga binti niya kaya animo siyang isda na nag-kakawag. "Ibaba mo ako, Erick! Hindi ako sasama sa iyo!" "Shut up!" Gigil na anito sabay palo ng malakas sa kanyang pwetan. Nahindik siya sa kinilos nito, naumid ang dila sa gulat, hanggang sa mai-upo siya sa passenger seat ay hindi niya nakuhang magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD