*Thirteen years later.. *
Hila-hila ang maliit na maleta ay lumingon-lingon si Sarah upang mahanap kung saan naroon ang comfort room. Napangiwi siya nang mapansin na halos karamihan ay nasa kanya ang mga mata. Ang ilan ay nagbubulungan, habang ang ilan ay lantaran siyang hinuhuburan gamit ang mga matang animo nakapagkit na sa kanyang katawan.
Sanay na siya sa ganoong sinaryo. Hindi na iyon bago. Kibit-balikat na muli niyang hinila ang dala nang may isang naglakas-loob na paluin ang puwitan niya nang mapadaan sa harapan nito. *Foreigner*. Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay, na sinagot naman nito ng ngisi. Iyong tipo na malakas ang kumpiyansa sa sarili. Well, not bad. Gwapo naman, matangkad, animo poste ng Meralco sa tangkad. Pero hindi niya tipo ang lalaking mas maputi pa sa kanya. Kailanman ay hindi siya na-attract sa ibang lahi. .
"f**k off freak."
Aniya matapos itong hatawin ng bitbit na maleta sa pagitan ng mga hita nito kung saan hindi nasisinagan ng araw. Napangiti siya ng maluwang nang sapuhin nito iyon at mamilipit sa sakit.
"Bitch.."
Habol hiningang anas nito. Muli lang tumaas ang kilay niya. Hindi na din bago ang ganoong insulto. Sanay na ang tenga niya.
"Awe, thanks. Sorry but this b***h ain't interested with anaconda. Go f**k your self."
Matamis ang ngiting balik niya. Akmang hahampasin sana niya ulit ng maleta ang bastos na lalake ng magdatingan naman ang security ng Airport. Hindi na siya nagulat nang siya ang ituro ng hinayupak at sabihing siya ang nag-umpisa ng gulo.
*Banyo lang naman ang gusto ko.. *
Reklamo niya sa isip.
***
Hindi na yata ba-baba ang kilay niya sa pagkakataas. Matapos manggaling sa complaints room kung saan pinag-usap sila ng foreigner na bumastos sa kanya at idiin na kasalanan niya dahil sa ayos at suot niya na isa daw siyang naglalakad na karne sa gitna ng napakaraming lalake ay uminit talaga ang ulo niya.
Malakas ang loob niya na abswelto siya dahil sa mga CCTV kaya ng i-review iyon ay halos mapahalakhak siya ng hindi na ito maka-kibo. Sa huli ay na-uwi lang din sa kasunduan ang nangyari. Ano pa nga ba ang aasahan niya. Peace be with you na lang nauwi ang insidenteng umubos sa oras niya sa halip na mapa-aga ang pag-pasok sa inaasam na CR.
Minasdan niya ang repleksyon sa salamin ng CR matapos magpahid ng lipgloss. Gaano ba ka-weird ang itsura niya? Bukod sa kulay berde at dilaw na may bahid ng kahel na buhok niya? Normal naman ang itsura niya. Maliban sa piercing sa kanyang kilay, sa gilid ng ibabang labi at ilong..
"May kailangan ka ba?"
Tanong niya sa babaing nahinto sa paghuhugas ng kamay nang malingunan siya. Awang ang labi at tila ba alien siya kung paka-titigan. Nagmamadaling tinapos nito ang ginagawa, 'ni hindi na nag-abalang tuyuin ang kamay na nilisan nito ang lugar.
Sa halip na magalit ay natawa na lang siya bago naiiling na inipon ang maiksing buhok upang nai-pusod kahit na kakawala din naman ang mga iyon dahil sa iksi.
Matapos makuntento ay lumabas na din siya at dumiretso sa exit kasabay ng iba pang galing ng ibang bansa. Saglit niyang pinanood ang ilan na magpalinga-linga upang hanapin ang mga mahal sa buhay na sundo nila bago lumapit sa pila ng taxi.
***
"S-Sarah?"
Gimbal na ani Bianca nang mabungaran ang dalaga sa harap ng apartment nito.
"Hello din pinsan."
Naka-ngising bati ng dalaga matapos alisin ang lollipop sa bibig nito.
"I-kaw ba talaga si Sarah? Iyong anak ni Ate Carmen at Kuya Delfin? Na kapatid ng tatay ko?"
"Kailangan talagang dumaan sa family tree? Oo ako nga iyon. Ang nag-iisang Sarah Dionisio."
Yumukod pa siya dahilan upang mahantad ang puklo ng kanyang dibdib bagay na ikina-asim ng itsura ni Bianca.
"Hindi kita nakilala.."
Natitigilang anas ng dalaga.
"Hindi din naman kita nakilala. Dalaginding pa ako ng huli kitang makita sa Mindoro. Reunion pa yata iyon. Pero teka lang ah. Hindi mo ba ako pa-papasukin muna?"
Turo niya sa pintuan na nahaharangan nito.
"Ay! Oo nga pala. Halika tuloy ka. Pasensya ka na at medyo magulo. Natutulog kase ako ng tumawag ka."
Anito habang nagmamadaling nilimpya ang mga nagkalat na paper bag galing sa isang cakeshop at fast food restaurant.
"Okay lang. Hindi naman ako maselan."
Aniya habang minamasdan ang pinsan. Close sila ni Bianca. Sa father side niya ay ito ang pinaka-close niya kahit napakadalang nila noong magkita. Mabuti na lang at active ang social media nito at hindi gumagamit ng corny na user name kaya madali niyang na-contact. Mabuti na lang din at sa Maynila ito naglalagi.
"Ano na nga palang nangyari sa iyo? Grabe, kuhang-kuha mo iyong imahe sa kanta ng Eraserheads na Magazine. *Dilaw ang iyong suot at buhok mo'y Green.. *"
Natawa siya dahil kinanta pa talaga nito ang huling sinabi. Dilaw nga naman ang suot niyang hanging tops, at green ang buhok. Pagal ang katawan na basta na lang siyang sumalampak sa upuang plastik.
" Nag-Japan ka ba? "
Alanganin pang tanong nito.
" Paano mo naman nasabi?"
Nakangisi niyang balik na sinagot lang rin nito ng tawa at pagkamot sa ulo.
"Basta lang.. Parang lang."
Somehow, na-gets niya kung bakit iyon ang naisip nito.
"Oo, entertainer ako sa Enoshima."
"Wow, talaga? Anong klase? Eh di madami kang lapad."
" Dancer, singer.. At hindi din ako ma-pera..sakto lang para mabuhay."
"Eh anong balak mo at nauwi ka bigla?"
"Bakasyon lang..aalis din ako ulit."
Aniya matapos matahimik ng ilang minuto. Mataman siyang minasdan ni Bianca na para bang sinusukat ang katotohanan sa sinabi niya.
"Eh, ikaw.."
Anas niya upang hindi na mabaling pa sa kanya ang atensyon nito.
"Ako? Ako eh ano?"
"Hindi ba't may hinahabol-habol kang lalake? Ano na? Lumebel-up ka na ba?"
Sukat sa sinabi niya at napasimangot lang ito.
"Pasasaan ba't sa akin din ang bagsak niyon."
"Tigilan mo na kase, ang sabi mo'y best friend mo ang jowa. Nasisikmura mo iyon?"
Tikwas ang kilay na tanong niya. Ilang ulit nitong naku-kwento sa mga chat ang tungkol sa kinahuhumalingan nitong lalake na unfortunately ay nobyo na daw ng kaibigan nito. Pero ang hitad niyang pinsan, never say no lang yata ang motto.
" Ayoko nga. Kasal ba sila? Hindi naman ah. Isa pa, malakas ang kutob ko. Ako ang mahal ni Joseph. Confuse lang iyon."
Bilib sa sariling anito. Natigilan siya at saka pinanood ang tila nananaginip ng gising na pinsan. May kung anong kirot na hatid sa kanya ang nakikita niya sa mata nito bagay na nakapagpapaalala sa kanya sa kung paano niyang kinabaliwan din ang ganoong pakiramdam.
"Bahala ka, basta huwag kang ngangawa sa huli."
Aniya pero tila hindi siya nito narinig, o kung narinig man ay ayaw pa-istorbo sa pagmumuni-muni.
"Pasok na ako sa kwarto mo. Patulog muna ako."
"Sige lang. Rest and feel at home ka lang d'yan pinsan."
Sagot nito kaya dumiretso na siya sa nag-iisang silid sa apartment na iyon. Nagpalit siya ng pantulog at saka tiningnan ang oras sa cellphone. Mahaba pa ang oras, mahaba pa ang maitutulog niya. Tamang-tama dahil tiyak na magdamag siyang gising mamaya.
Bago magpagupo sa antok at pagod dala ng biyahe ay nag-message muna siya sa isang kaibigan. Hindi nga lang niya alam kung matutuwa iyon na malaman na nakauwi na siya ng Pinas o hindi. Pero anu't ano pa man.. Wala na itong magagawa dahil narito na siya.
Matapos niyon at kaagad niyang pinatay ang cellphone upang hindi siya nito matawagan. Doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig sa kisame na may bahid ng mantsa at bahagyang naka-umbok bago tuluyang nakatulog.
Nang magising siya agaw na ang liwanag at dilim. Tumayo siya at iniladlad ang kurtina na nakabuhol bago lumabas. Naabutan niyang nakahilata ang pinsan sa mahabang plastik na upuan. Dinampot niya ang manipis na kumot na nalaglag sa sahig at saka iyon muling ikinumot sa naghihilik na dalaga. Nagtungo siya sa kusina na kanugnog lang ng maliit na sala. Mayroong pagkain sa mesa na natatakpan ng plastik na cover. May note na nakadikit doon na nagsasabing sa kanya ang nakahain doon. Huwag daw niyang istorbuhin ang dalaga sa pagtulog.
Malungkot siyang napangiti. Gaano na ba katagal buhat ng may maghain at magluto para sa kanya? Hindi na niya matandaan. Kahit malamig na ang naroon ay walang kaarte-arte niya iyong sinimulan na kainin.
"Swerte ng jowa-jowaan mo ah. Sarap ng luto mo."
Aniya habang nakatingin sa natutulog na pinsan habang sinasabakan ang Potcherong luto nito.
Matapos kumain ay maingat niyang hinugasan ang pinagkainan upang hindi makalikha ng ingay. Nang matapos ay bumalik siya sa silid upang kumuha ng bihisan at saka nagtungo sa banyo upang maligo.
Naka-ayos na siya ng maalalang i-on ang cellphone. Kahit inaasahan ay nagulat pa din siya nang sunud-sunod na tumunog ang message alert tone niyon. Natatawang nag-reply siya at ipinadala ang location dito upang masundo siya.
Bago lumabas ay nagsulat pa muna siya ng note para kay Bianca. Sinabi niyang huwag na siyang hintayin dahil hindi siya uuwi ng gabing iyon.
Nang makarinig ng ugong ng motorsiklo ay ka agad siyang lumabas. Dahan-dahan niyang binuksan ang front door at pinindot ang lock niyon bago tuluyang makalabas.