"Daddy..." Tawag pansin ni Monica bago pa man makasakay sa sariling sasakyan si Erick. "Hey, baby." Nakangiting ginulo niya ang buhok ng dalagita nang makalapit ito. Subalit simangot ang naging sagot nito bago inalis ang kamay niyang nanatili sa tuktok ng ulo nito. "What have you done, daddy?" Nang-uusig na tanong ni Monica. Bahagyang natigilan si Erick sa tanong na iyon. Nagtatakang humakbang siya ng isa palayo upang mamasdan ng mabuti ang anak na hindi nawawala ang pagkaka-simangot. "What do you mean? May nagawa ba ako na hindi ko alam?" Inosenteng aniya. "Hindi mo alam? O nagma-maang-maangan ka lang, daddy?" Usig nito. Nag-salubong ang kilay niya sa nadinig. Iyon ang unang pagkakataon na nagsalita ng ganoon ang dalagita sa kanya. "I don't like the tone of your voice, Monica."

