* * * * CHRISTINE MARGARET POV Pupunta daw ngayon yung wedding organizer namin ni Coleen,kaya nag pahanda na kami ng mga pagkain,malapit nadin kasi mag tanghalian. Nanonood kaming dalawa nang TV sa living room nang dumating yung wedding organizer namin.Kasama din nito si tita Cherry at si.. Mama?Ngayon ko nalang ulit siya nakita simula nong engagement? party namin ni Coleen ah. Tumayo kaming dalawa ni Coleen at sinalubong sila,niyakap ko si mama,sunod naman si tita.Pinatay na muna ni Coleen yung TV para walang ingay. "Mama buti at naka punta ka ngayon?"sabi ko sa kanya.Hindi na ako galit sa kanilang dalawa ni papa,matagal ko na silang pinatawad kaya hindi na mabigat sa dibdib. Kasama din pala nito yung kapatid namin,mahiyain nga lang,ang gandang bata.Ako na yung unang lumapit sa kan

