TILA ba kahapon lang ay usap-usapan sa buong AU ang nalalapit na intramurals. Hindi napansin ni Gail na mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang araw na iyon. Today is the intramurals of AU, despite of the harassment issue ay natuloy pa rin ang araw na ito. Sinigurado lamang ng administrasyong nagpapatakbo sa AU na may sapat na security ang buong unibersidad at hindi na muling hahayaang mangyari iyon. Hindi mawari ni Gail kung bakit pumasok pa ito ngayon. Hindi naman siya yung tipo ng estudyanteng nanunood ng mga contest at kung ano-ano pang pakulo sa intrams.Hindi niya gusto ang mataong lugar at ngayon ang AU ay punong-puno ng mga dayo at mga estudyante. Saan ngayon siya tatambay? Wala siyang kasama ngayon dahil si Deanna ay may laro. Hindi niya din alam kung nasaan si Hannah. Sa i

