IKALAWANG araw ng paghahanap nila kay Ganesh, hindi napawi ang pag-aalala ni Gail sa kanyang kapatid lalo na at walang balita tungkol dito. Naireport na nila sa pulisya ang nangyari, mula sa kwento ni Mira na siyang naging saksi kung paano kunin ni Gemma si Ganesh ay sapilitan daw itong ipinasok sa isang itim na sasakyan. Wala si Bendo ng mga oras na iyon dahil tulog ito at kakauwi lang galing sa panggabing trabaho ng mga oras na iyon. Si Aling Lusing naman ay nasa banyo at hindi narinig ang sigaw ni Ganesh at Mira dahil fully concreted ang kanilang palikuran. Tsaka lamang naalarma si Bendo ng umiiyak na pumasok ang kanyang kapatid na si Mira sa kanyang silid at sinabi ang nangyaring pagdukot kay Ganesh. Nalaman nila kung sino ang kumuha sa kapatid ni Gail dahil nahagip sa cctv ang buong p

