“BAKIT ang aga mo?” Bungad ni Gail kay Deanna ng madatnan ito sa labas ng AU gate. Ngunit sa halip na sagutin ang tanong nito ay ngumisi ito ng nakakaloko na tila ba alam ang nangyari sa kanila ni Lothar kaninang madaling araw. “Bago ko sagutin ‘yan ay sagutin mo muna ako. Bakit blooming ka?” Rebat niya. Umirap ito upang maitago ang nagbabadyang ngiti na gustong gumuhit sa kanyang mga labi. Hindi mapigilan ni Gail ang kilig kaya naman tumikhim ito upang hindi iyon maipakita kay Deanna. Wala itong balak na sabihin ang nangyari kaninang madaling araw. Tsaka na siguro nito sasabihin kapag nasa tamang oras na. “Bagong ligo lang ako kaya mukhang blooming.” Sagot ni Gail at hinawi ang buhok na bahagyang humarang sa kanyang mata. “Sus! Iba eh, naggo-glow ang morena mong balat.” Anito at t

