Shyla Chamael
It's been five days since Jessa and Luna transferred. It's quite different from the usual atmosphere in this office.
Siguro dahil karamihan sa mga kasama ko ay bagong staff at mga mag paiwan dahil sa may mga pamilya na dito na mga empleyado. Ang iba hindi ko masyadong nakakausap dahil sa ibang department.
Sa department naman namin ay ako lang ang hindi bago. Ang Accounting Manager na hindi ko close. Mababait naman ang pumalit kali Jessa at Luna kaso hindi lang kasing kalog at ingat nila. Para tuloy napaka lungkot. Pero hinayaan ko na dahil today is thursday last day ko na.
Nag pasa ako ng leave para bukas para makapaghanda pauwi. Nailipit ko na din lahat ng gamit ko sa boarding house. Nalungkot nga ang landlady namin dahil tatlo kaming sabay sabay na umalis. Kami pa naman daw ang pinaka gusto niyang tenant. Hindi raw pasaway at on time mag bayad.
Matapos ko na din lahat ng mga pending ko at natrain ko na din yung papalit sakin lahat ng dapat matutunan niya ay sinigurado kong alam niya. Mukhang mabilis naman matuto tong si Yanna kaya mas napabilis ang trabaho namin.
Bago matapos ang araw dumaan at nag paalam ako Kay Mam Amanda. About daw sa request ko ay pag dating na lang daw ng boss namin galing ibang bansa.
Bago umuwi sa boarding house ay kumain muna ako sa Isang fast food ng mag isa. Ganito ako mula nang makaalis na sila Jessa at Luna.
Pagkatapos kung kumain ay naglakad lakad muna ako para magpalipas nang oras. Alas nuebe na nang gabi ako nakauwi sa boarding house. Nag linis at nag palit na ko ng damit at humiga sa kama. Pakiramdam ko napakaluwag ng kwarto kahit pa dalawang double deck ang magkaharap pero tatlong higaaan naman ang bakante. Nasa bandang kanan at babang higaan ako.
Tanging tunog ng electric fun at katahimikan ng gabi ang ang naririnig ko.
Napatingin ako sa mga maleta ko sa gilid ng higaan. Bukas aalis na ko sa Lugar na tinuring kong pangalawang tahanan. Kung ako ang papipiliin mas gusto kong manirahan sa ganitong lugar. Tahimik, maaliwalas at walang masyadong pollution. Madami ding sriwang pagkain lalo na at malapit kami sa bayan kung saan maraming nagtitinda ng mga sawing gulay at prutas.
Bago matulog ay kinamusta ko muna sila papa. Nakalabas na pala siya ng hospital at nag pupumilit na magtrabaho dahil kailangan daw ng pera. Sinabi na lang ni mama na ako na ang bahala.
Sana nga lang matulungan ako ni mam Amanda na makahiram ng kalahating million. Alam kong nakakahiya pero wala naman akong ibang alam na hihiraman. Isa pa nag padala na din si Shamella at siya na daw muna bahala sa gastusin sa pang araw araw nila papa habang nag papagaling kaya ang inalala ko na lang talaga ay ang pambayad ng lupa.
Nakatulogan ko na ang pag iisip at kinabukasan ay maaga akong nagising.Naligo ako at nilagay sa backpack ko ang mga huling gamit na ginamit ko ngaung umaga. Lotion, sabon, shampoo at ang pinaghubaran ko lang naman ang ililigpit ko. Nang alam kong handa na ang lahat bumaba ako sa sala at inabot sa landlady namin ang susi at ang panghuling bayad ko ay buo ko pa din binigay kahit may Isang linggo akong hindi nagamit. Alam ko kasing hirap siya ngaun dahil wala pang pasok kaya wala pang studyante sa na nangungipahan tapos sabay sabay pa kami nila Jessa at Luna na umalis.
" Naku Shyla sobra ito ha." ngumiti ako dahil pilit niyang ibinabalik.
"Kunin mo na yan ate Emily, alam kong wala ka din ngaun dahil walang pasok tsaka ito pala paki bigay sa mga bata."
Ang landlady kasi naming si ate Emily at maagang nag asawa kaya may tatlo na siyang anak. Matanda lang siguro siya sakin ng lima o anim na taon. Maaga din siyang nawalan ng asawa. Mabuti na nga lang at may napana ang kanyang maliit na bahay na ginawa niyang boarding house. May apat na kwarto ito at bawat kwarto ay may tag aapat na higaan. May dalawa pang natitirang boarders na nagtratrabaho din kaso mas madami ang bakante ngaun kaya alam kong hirap siya sa pag babayad ng mga bayarin lalo na tatlo din ang kanyang anak.
" Salamat Shyla ha ang babait niyo talagang magkakaibigan. Sina Jessa at Luna ay buo din ang binyad kahit may natitirang pang deposito".
Mabait din kasi si ate Emily hindi kami sinisingil bagkos hinahayaan niya kaming magbayad pero ni Minsan ay hindi naman kami pumalya at nagkulang kaya kami daw ang paborito niya sa lahat.
"Naku hwag mo nang alalahain yun ate at alam naman namin na kailangan mo yan Lalo na malapit ng mag aral ang bunso mo.Hindi na din ako mag tatagal ate para hindi ako tanghaliin sa byahe."
"Oh sige mag iingat kayo dun ikamusta mo na lang ako sa dalawa. Sana pag nagawi kayo dito ay pasyalan niyo ako. O di kaya pag dito ulit kayo magtrabaho ay Dito ulit kayo manirahan ha."
"Sige ate makaka asa ka po. Alis na po ako".
" Ay siya nga pala itinawag na kita ng tricycle na maghahatid sayo sa sablkayan ng bus".
"Salamat po"
Hinatid ako ni ate Emily sa may gate ramdam ko ang kanyang lungkot habang papalayo ang tricycle sa tapat ng kanilang bahay.
Pag dating sa maynila ay sumakay na lang ako ng taxi pauwi sa bahay ng sa ganun ay hindi na maabala sila mama para sunduin ako. Saktong alas dose na ako ng tanghali nakauwi sa bahay. Pag dating ko ay nadatnan ko ang aking mga magulang sa hapag kainan at nananghalian.
Alam nilang uuwi ako pero hindi na nasabi na ganitong oras ako darating. Tamang tama dahil gutom na din ako kaya sabay na akong kumain sa kanila.
Pagkatapos kumain ay inakyat ko na lahat ng aking gamit sa dati kong kwarto. Inilabas ko lahat at inilagay sa mga tukador. Ganun din ang mga ginagamit ko comfort room para makaligo na din ako.
Matapos maligo ay naghiga ako at nakatulog hapon na nang magising. Agad kong hinanap ang aking cellphone at Nakita ko ang mga miscall nila Jessa at Luna. Ganun din ang mga mensahe nila. Isa isa kong binuksan ang mga ito.
Jessa: San kana girl?
Luna: Bunso nakaluwas kana?
Jessa: Bakit Hindi ka namin matawagan. Nakauwi kana ba?
Luna: Mag message ka pag nabasa mo na Yung messages namin ha.
Jessa: Pag hindi ka nag reply Hindi ko sasabihin ang bagong chicka dito sa office. Excited pa naman ako.
Natawa ako kay Jessa. Ilang araw pa lang dito sa myanila ay madami ng nasagap na balita.
Maya maya pa ay nakita kong tumatawag si Jessa.
"Hello Jessa, kakagising ko lang"
Jessa: Kaya pala kanina ka pa namin tinatawagan.
"Bakit anong meron, mas excited pa kayo sakin na makauwi ako" tumawa ako ng bahagya dahil parang excited ang kanyang boses.
Jessa: I'm so excited talaga na ibalita sayo na Ikaw na Ang head ng accounting department sa construction projects.
" Ha ? bakit ako akala ko nagbibiro lang si Mam Amanda"
Jessa: Guess what , mukhang Hindi nakachikahan ko na Yung head ng HR na gwapo si Sir Vann at kami ni Luna kasama mo bali tatlo tayo. Diba exciting yun tayong tatlo magkakasama.
"Hindi ko alam kong maeexcite ako sa sinasabi mo kasi kung tama ang pagkakaintindi ko mahihirapan tayo kasi tatlo lang tayo"
Jessa : Ay oo nga no! pero carrybells na yan Basta magkakasama tayo. Tska tumawag pala ako para ipaalala sayo yung party bukas na rkila ka na din namin ng damit ni Luna dahil alam namin na pagodan ka ngayon.
" Salamat , pero pinag iisipan ko pa din kung pupunta ako".
Jessa: Naku! pumunta ka na sayang naman ang inarkila namin na damit at alam mo ba madaming gwapo dun.
Nailing na lang ako dahil hindi naman ako mahilig sa party at lalong hindi ko hilig ang maghanap ng mga gwapo. Hindi na lang ako sumalungat kay Jessa para matas ang usapan.
Kinagabihan ay ako ang nagluto ng hapunan. Kare kare ang Naisipan kong iluto para may mga gulay at para naman Kay papa nag luto ako ng stream blue Marlin at vegetables salad para mabilis matunaw sa tyan dahil alam kong nahihirapan pa siya ngaun dahil sa opera niya.
Pagkatapos ng hapunan ay inligpit ko ang pinagkainan at naghanada na para matulog. Mukhang wala akong palag sa dalawa at kailangan kong sumama sa party. Siguro naman walang masamang nangyayari sakin doon. Matapos mag ayos ay naghiga na ko para makatulog.