CHAPTER 22: Keiffer & Given ___ Kahit pa buo na ang kanyang loob sa pakikipagtunggali sa kanyang ama sa usaping pagpapakasal niya. Nakakaramdam pa rin siya ng kaba at hindi maipaliwanag na pangamba sa tuwing makakaharap ito. Siguro dahil kahit naman hindi pa sila magkasundong mag-ama buo pa rin naman ang respeto at paggalang niya dito bilang nag-iisang nitong anak. Subalit kahit ano pang mangyari hindi siya papayag na saklawan nito ang buong buhay nito. Kaya nga siya lumayo, sapat nang pinapasok nito sa bahay at buhay nila ang asawa nitong si Olivia maging ang mga anak nito. Sapat na ring binigay ng kanyang ama ang pangalan sa kanyang madrasta. Kaya bakit kailangan pati siya isali pa sa laro ng mga ito. Hinding hindi siya papayag na makasal kay Tricia hindi lang dahil hindi niya i

