C-30: LOVE IN SECRET WAY ___ "Keiffer! Anong ibig sabihin nito?!" "Huh?!" Sabay pa silang napalingon sa pinagmulan ng tinig... Dagli rin nilang nahamig ang sarili ng makilala na ito. "Migz!" Matalim ang tinging ipinukol ni Keiffer sa kaibigan. "Bro, anong ginagawa n'yo dito ha? Mukha bang umiiskor ka na maaga pa, nauna ka pa yata sa bagong kasal." Nakangising biro pa nito. "Bugok, puro ka talaga kalokohan!" Paglingon ni Keiffer sa kanya halos magkulay kamatis naman siya sa hiya. Nginitian naman siya ni Migz may pakiramdam siya na alam na rin nito ang nangyayari sa pagitan nila ni Keiffer. Bigla tuloy siyang nalito sa kung ano ba ang dapat niyang iakto ng mga sandaling iyon. Tila hindi na niya maitatanggi pa ang katotohanan sa mga kaibigan nito. "Ate Given, huwag kang mag-alala g

