CHAPTER 8: Hurt Feelings ___ "Ano tutuloy pa ba tayo o hihimasin na lang itong kotse" si Carlos na tila naiinip na.. "Ang bitter mo talaga Bro! Nagustuhan mo rin naman kunwari ka pa." Si Miggy "Oo na sige na, bakit ako lang ba ikaw din naman." Si Carlos Ang totoo hindi naman talaga problema sa kanila ang pambili ng sasakyan. Ang problema lang hindi pa sila pinapayagang magdrive. "Tama na nga 'yan, kayong dalawa talaga hindi na nagkasundo pareho namang tumutulo laway niyo kanina. H'wag kayong mag-alala makakabili rin tayo n'yan, maghintay lang kayo." Si Keith. Alam nilang kayang kaya 'yun ni Keith ang tiyaga kaya ng taong ito. Kapag may gusto siyang bilhin talagang pinag-iipunan niya. Hindi siya basta umaasa sa magulang, gumagawa siya ng sariling paraan kaya kung minsan kuripot tal

