I may not be your first date, kiss or love, but I want to be your last in everything. . . Girlfriend . . KINABAHAN man ay kinalma ko lang din ang sarili. Ang dami ng tao ngayon at punong-puno na ang buong studio. Nakamamangha ang iba't-ibang personalidad na nandito at sadyang may iilang taga media pa. I just never expect this. I thought it will just the same thing that I knew... Hindi pala. Ibang klase nga naman ang mga Mondragon sa lahat ng bagay. . Hindi ko pa suot ang damit ko. Naka skinny jeans at white off shoulder top fitting pa ako. Inayusan na ako sa isa sa mga make up artist namin kanina. Pinauna na kasi ako ni Bobita. E, baka raw makalimutan niya dahil sa sobrang daming kaganapan. . After two hours. Everything is complete and the show is about to start. Matagal pa ako.

