CHAPTER 11

1316 Words
JENNA POV'S Nagmamadali akong bumaba papuntang kusina, nahirapan pa akong maglakad dahil sa sandal na suot ko at nakaramdam din ako ng hapdi sa bukong-bukong ko. At ng tignan ko ito ay namula na at nagasgas. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil kailangan kong magmadali, pero pagbaba ko palang sa hagdan ay sinalubong ako ni Mayang na nag-aalala ang mukha. "Hoyyyy Jenna bakit ganyan ang ayos at suot mo hahh?!" "Mamaya ko na ipapaliwanag sayo Mayang nagmamadali kasi ako" "Galing ka sa taas... Anong number ang pinagsisilbihan mo?" "Sa number 8" "Nakuuu si sir Brayson pala" "Oo kaya maiwan muna kita mamaya na ako magpapaliwanag sayo kukunin ko ang order niya baka pagalitan niya ako kaoag ang tagal ko", at tinalikuran ko na si Mayang. " Ohhh sige basta mamaya huh?", habol nito Ikinumpas ko nalang ang kamay ko bilang sagot. Pumunta ako sa counter ng kusina para kunin ang order ni sir. Maging ang mga katrabaho ko ay namangha sa ayos ko ngayon, napatulala si Nico habang nagluluto. Nginitian ko nalang siya at saka ko na kinuha ang mga order at agad din akong umakyat. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni sir Brayson, nakakunot na naman ang noo niya at seryuso ang mukha. "Pasensya na sir medyo natagalan ako", wika ko at saka na ako pumasok. Paika-ika akong maglakad, isa ito sa dahilan na natagalan ako at parang lumala pa yata kaya naman napangiwi ako sa sakit. Nailapag ko na ang dala ko sa mesa ng lumapit siya sakin "Okay ka lang ba?", tanong ni sir. "O-Okay lang ako sir" "Something wrong to your feet", wika niya. "S... Sir.." "Sit down" Itinuro niya ang couch at umupo na nga ako, kinakabahan na ako dahil baka kung anong gawin na niya sakin. Lumuhod siya sa harapan ko kaya naman lalo na akong kinabahan. "Ahmmm sir....", hindi ko masabi ang nasa isip ko baka kasi magalit ito. Tumingin lang siya sakin at saka kinuha ang paa ko at tinignan niya iyon, umiling iling pa siya habang inaalis ang sandal ko. "Arayyy", bulalas ko. "Bakit kapa kasi nagsusuot ng sandal kung hindi mo naman kaya", malamig niyang turan. "Kailangan po kasi sir" "Kailangan nga pero nasasaktan mo naman ang sarili mo" Hindi nalang ako umimik. "Hintayin mo ako dito", pagkasabi niya ay tumayo na siya at lumabas. "Saan namam kaya pupunta yung lalaking iyon? Tapos na kaya siya? Uuwi na kaya siya?" Makaraan ng ilang minuto ay may nagbukas na ng pintuan, agad akong tumayo baka kasi si madam iyon. Pero hindi pala dahil si Sir Brayson ang pumasok at may dalang naka paper bag. "Bakit ka tumayo, sabi kong diyan ka lang diba", nakakunot na naman ang noo niya. Natatakot tuloy ako kapag nagsasalita siya, galit lagi ang tono ng boses at nakasimangot. Pero kahit ganun ay hindi nababawasan ang kapogihan niya, parang natural na sakanya ang expression ng kanyang mukha. "Ano pang ginagawa mo umupo kana", utos niya. Agad akong umupo dahil sa takot ko sakanya, muli siyang lumuhod at linabas ang nasa paper bag. Flat sandal ito at ang ganda, mukhang mamahalin pa yata. Sunod niyang linabas ang betadine at bulak, may ointment din. Lininisan niya ang sugat ko, muntik ko na siyanh masipa dahil sa hapdi at pabigla pa niya itong idinampi. Wala manlang sorry, ang cold talaga ng lalaking ito. Napapaisip ako kung may asawa ba ito o girlfriend, kasi kung meron baka kawawa lang ang babaeng kasama niya sa buhay. Pagkatapos niyang linagyan ng oinment ay kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at itinali iyon sa paa ko. "Ito ang isuot mo", wika niya sabay lapag sa tapat ng paa ko ang sandal.. "Salamat sir", nahihiya kong sabi. Pakiramdam ko tuloy ay na princes treatment ako ngayong gabi, ngunit sandali lang pala dahil agad niya din akong inutusan. "Lagyan mo ng alak ang baso at ayusin mo ang mga bola sa billiard board", utos niya. "Okay sir", agad ko namang sinunod iyon. Pagkatapos ko ay tinanong ko kung may iuutos pa siya. "May iuutos pa ba kayo sir?" "Kumuha ka ng isang baso doon at lagyan mo ng alak" Sinunod ko na naman. "Drink it" "Ho?" Nagulat ako sa sinabi niya, para saakin ang hawak kong baso na may alak eh hindi naman ako umiinom, anong gagawin ko? Kung hindi ko naman ito iinumin baka magalit siya sakin. "Inumin mo", muli niyang sabi. "Eh sir hindi po kasi ako umiinom" Bigla siyang tumayo kaya napaatras ako dahil sa takot, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Lumapit siya sakin at kinuha ang baso, ininum niya ang alak at saka ulit siya umupo, walang sinabi o reaksyon manlang. "Sir galit po ba kayo? Sorry po hindi talaga ako umiinom eh" Hindi parin siya umiimik, ano bang gagawin ko para hindi na ito magalit sakin. Nakatayo lang ako sa tapat niya at linalagyan ang baso niya kapag naubos na niya ang laman nito. Nahihiya tuloy ako dahil hindi ko mapagbigyan ang hiling niya, samantalang tinulungan niya ako kanina. Nahihiya na ako, pero sige lang hanggang ngayong gabi lang naman ito at hindi ko na siya makikita pa. "Ayuko na", wika niya at saka na tumayo. Kumuha siya ng pera sa wallet niya at hindi na niya ito binilang, ibinigay niya ito sakin. "Here's your tip" "S... Salamat, s.. Sir", at agad kong kinuha ang pera. Lumabas na siya at naiwan akong mag-isa dito sa loob, binilang ko ang pera at nagulat ako dahil sa laki nito. "10k?", nanlaki ang mga mata ko. Ang inaasahan ko lang ay nasa dalawang libo ang ang tip ko pero doble pa pala ng limang beses ang ibinigay sakin. Nagtatatalon ako sa tuwa dahil malaking halaga na ito para maidagdag ko sa iniipon ko. "Thank you Lord may tao Kang ibinigay sakin na may mabuting puso..." Ilinigpit ko na ang mga ginamit niya at ilinagay iyon sa tray, lumabas na ako dala ang mga ito. Ngunit paglabas ko palang ay sinalubong na ako ni madam. "Ohhh Jenna kumusta?" "Okay lang naman po madam, wala naman pong masamang nangyari" "Halika sa opisina ko doon tayo magusap" At ilinapag ko muna sa mesang nasa labas ang mga dala ko at saka ko sinundan si madam. "Ano hindi ba niya ipinilit na tanggalin ang maskara mo?", tanong ni madam. "Hindi naman madam" "Mabuti kong ganun, salamat talaga Jenna ha" "Wala po iyon ma'am" "Teka bakit iba na ang suot mong sandal?" "Ahy may sugat po kasi itong paa ko kaya nagpalit ako, may ibinigay naman po si sir" "Ano siya ang nagbigay niyan?" "Opo ma'am, linagyan pa nga po niya ang sugat ko at saka tinalian ng panyo niya" "Talaga?" "Opo ma'am... Bakit po hindi po ba kayo naniniwala sa mga sinasabi ko", tanong ko dahil nakita kong nagtaka si madam. "Hindi naman pero ngayon ko lang nalaman na humawak siya sa babae, eh wala ngang babae ang nakakalapit sakanya dahil pinagtatabuyan niya tapos ganun ang ginawa niya sayo?" "Kaya nga po madam, nagulat nga po ako" "Hindi kaya gusto ka niya?" "Ho?... Hindi naman po siguro at saka impossible po iyan" "Walang imposible sa pag-ibig Jenna kapag naramdaman na ito... Ohhh siya heto din ang sayo" At iniabot sakin ni madam ang nakasobre, hindi ko ito binuksan dahil ayaw kong isipin ni madam na mukhang pera ako which is totoo naman. Nagpaalam na ako at saka na ako bumalik sa locker room para magbihis, iuuwi ko nalang ang isinuot kong damit bago ko ibalik kay madam. Tamang tama din na pumasok si Mayang. "Ano na Jenna?" "Pwede ba dito baka kasi hanapin tayo ni madam" "Hindi yan, excited n anga akong marinig ang paliwanag mo" At inumpisahan ko na ngang isalaysay sakanya kung bakit naging waitress ako ngayong gabi at ang nangyari sa sa loob ng silid na iyon. Nagulat din siya sa kwento ko kung paano ako ginamot ni sir, pareho pala sila ng pag-iisip ni madam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD