Maong shorts at plain red tshirt lamang ang isinuot niya. May biniling snickers si Master Ford sa kanya na isinuot naman niya. Nagsuklay lamang siya at inilugay ang mahabang buhok na natural na kulot sa dulo. Pulbos at liptit lamang ang inilagay niya. Hindi siya sanay sa lipstick at kung anu-anong mga nilalagay sa mukha dahil wala naman siyang hilig at isa pa, wala naman siyang pambili. “ Hoy babae! Tara na!” Tawag sa kanya ni Apol nang bumungad ito sa kwarto nila ni Master. Si Master Oxford ay kaninang umaga pa umalis at halatang may importante itong lakad. “ Ba’t ganyan ang ayos mo?” Tanong niya kay Apol. “ Huwag ka nang maraming tanong! Party na nga di ba? At bakit ikaw mukhang mamimili ka lang sa grocery?” ------------------ Tricycle ang sinakyan nila patungo sa hotel . " Ma

