Chapter 8

1739 Words
“WHAT'S the commotion over there?” Cleo asked her driver, forehead scrunched. “May banggaan po sa banda ro'n, ma'am,” magalang na sagot ni Monty. “Oh, no! That's terrible.” “Mismo. Napuruhan yata 'yung nakamotor kasi mukhang bumangga sa bumper ng kotse.” “I hope the medics will assist them as fast as they can. I mean this is a matter of life and death.” She clicked her tongue and heaved a sigh. “Mabilis naman mag-respond ang rescuers dito kapag ganitong may aksidente,” pampalubag loob na sabi ng driver. Maya-maya pa umalagwa na ang malakas na siren galing sa magkakasunod na ambulansya. Nahawan ang mga miron na nakikiusyoso pero hindi pa rin makadaan ang mga sasakyan. The aftermath was devastating; it was beyond cleaning and repair. Pumalatak si Monty at saka sinilip ang boss sa rearview mirror. Alam niyang naiinip na ito dahil isang oras na silang stuck sa parteng iyon ng Pacleb. Mabait at maunawain ang kanyang amo pero maikli ang pasensya nito sa mga ganitong pagkakataon. Bahagya tuloy itong nataranta nang mapansin ang malalim na pagkunot sa noo ni Cleo. “Sorry po, ma'am. Dapat talaga hindi na lang tayo dito dumaan.” Umiiling si Cleo at maingat na kinuha ang phone sa Zeboldé purse. “It's not your fault, Monty. Accidents happen out of nowhere, so you don't have to apologize.” “Pero male-late na po kayo sa event,” nahihiyang kontesta ng driver, kakamot-kamot sa batok nito. “Thirty minutes, yeah. But they say better late than never, right?” “Sabagay,” sang-ayon ni Monty bago pinaandar na ulit ang kotse. Tumango si Cleo at yamot na tumingin sa paligid. Getting stuck in a bottleneck traffic was one of her pet peeves. Talagang umiinit ang ulo niya kapag ganito ang eksena pero wala naman siyang magagawa. Naisip niyang wala talagang pag-asang magbago ang sistema ng transportasyon sa bansa. Lalo tuloy siyang naimbyerna. Isang beses pa siyang bumuntong-hininga bago may idinayal sa kanyang cellphone. “Hahanap na lang ako ng ibang ruta para makaalis na tayo rito. Pasens'ya na talaga ma'am.” “That and make sure to choose the best way. Kailangan kong makahabol bago mag-distribute ng regalo sa mga bata.” Cleo answered in a flat tone. Her attention was still on the gadget. “May alam akong shortcut pero medyo malubak lang po ng konti.” “No biggie.” Cleo shrugged and added, “I know you’re not a pro driver for nothing.” Wala na siyang pakialam kahit saan sila dumaan basta makaiwas lang sa pesteng trapik. Mabilis na nagmaniobra si Monty at saka dumerecho sa service road. May ilang kabahayan silang nadaanan bago ito lumiko pakaliwa. May nadaanan silang malubak at bahagyang umalog ang sasakyan dahilan para mabaling ang tingin ni Cleo sa paligid. Noon niya lang napansin na malamlam ang ilaw na nagmumula sa mga poste at malawak na lupain ang nasa dako pa roon. “Those trees are mangoes and kaimito, right?” “Opo. Sakop pa ‘yan ng farm ni Doktora Montenegro,” Monty answered, eyes fixated on the road. Mabagal na tumangu-tango si Cleo. Dati niyang kaklase sa Montessori ang tinutukoy nito at naging mistress ng kilalang politiko sa lugar na ‘yon. Muli niyang iginala ang tingin sa paligid at bahagyang umismid. The place was a perfect setting for a horror movie but the heck she cared. Kahit pa may makasalubong silang zombie ay hindi siya mangigiming barilin ito para maalis ang mga balakid sa kanilang daraanan. The Lovely Faith Foundation was expecting her to be their guest speaker but it seemed that luck didn't favor her tonight. Ayaw pa naman niyang biguin ang mga bata sa ampunan. Muli niyang idinayal ang number ni Soen– ang kanyang secretary. Pure Korean ang mga magulang ng huli pero sa Pilipinas ito ipinanganak. She'd been contacting him but she got no answer since they took this alternate route. “Come on, Soen, pick up your f*cking phone,” yamot na sabi ni Cleo. “Ma'am?” biglang tanong ni Monty. Bahagya pa itong lumingon at saka mabilis din na ibinalik ang tingin sa harapan. “Oh, no, no. I'm calling my secretary.” “Ah, akala ko po ako ang kausap n'yo.” “Don't mind me. Eyes on the road and keep driving.” “Yes, ma'am,” answered Monty, nodding politely. For the nth time, Cleo called her secretary but to no avail. Soen's phone just kept on ringing and ringing and she felt upset about it. She cursed inwardly before tapping the gadget on her lap. Soen had never been irresponsible with his job. He must've had a reason for this, she quietly convinced herself. Huminga siya nang malalim, pilit na ikinakalma ang sarili. “Goodness, Soen. Bakit naman ngayon ka pa hindi matawagan?” “Ah, ma'am, medyo mahina po talaga signal banda rito. Baka 'yon po ang dahilan kaya 'di niyo makontak ng maayos si Soen.” Noon naman niya chineck ang kanyang phone at tama nga si Monty. The bars are almost dying to reach for a signal. “You're right. Anyway, madalas ka bang magawi rito?” Pinasadahan niya uli ng tingin ang paligid. “Ngayon na lang po ulit. Bale private property ng mga Cerazo ang buong solar na 'to. Binubuksan 'tong daan araw-araw para kahit paano makatulong sa mga biyahero lalo na kapag traffic. Pero kapag ganitong maulan hanggang alas-diyes lang sila bukas para sa lahat sasakyan.” Mahabang paliwanag ng driver bago pumihit pakanan. “How long will it take before we reach the main road?” “Bale paglampas d'yan sa tulay saka pa lang tayo—” Biglang prumeno si Monty nang mapansin habang si Cleo ay nasubsob sa driver's seat dahil sa lakas ng impact niyon. Her phone and purse both slipped off from her hands. Dazed and disoriented, she managed to get back on her seat and glared at her driver. “Oh, god, Monty! Why did you do that?” Umayos siya ng pagkakaupo. “Are you trying to kill me?” Sa unahan pa rin nakatuon ang atensyon ni Monty ang sumagot ito. “Pasensya na po, ma'am. A-Ano kasi. . .” “What now?!” iritableng tanong ng amo. Humulagpos na ang inis sa dibdib nito. “May nabangga po yata ako,” kinakabahan na sabi ni Monty. “Hindi po ako sigurado, pero parang may bigla na lang kasing dumaan tapos sumalpok sa'tin.” “Hay nako, Monty, baka guni-guni mo lang 'yan. ” Binuksan ni Cleo ang bintana at saka nagsindi ng sirgarilyo. She needed to vent her anger through cigars. f**k. “Saglit lang at titingnan ko po para makasiguro tayo.” “Whatever. Just go.” Pinatay ni Monty ang makina at akmang bababa na pero napatda ito sa kinauupuan nang may kumalampag sa harap ng parte ng kotse. May matangkad na lalaking naroroon, hubad baro at may hawak na baril. Both Cleo and Monty were shocked by the abrupt presence of the stranger. Mula sa ilaw na nagmumula sa sasakyan ay naaninag ni Cleo ang duguan nitong mukha, braso, pati ang nakahantad nitong dibdib. Nakapatong ang mga kamay nito sa hood ng kotse na tila ba doon kumuha ng lakas para hindi tuluyang matumba. The guy opened his mouth, trying to tell something. However, Cleo's auto was heavily tinted, bulletproof. “Sabi ko na nga ba at may tao nga!” “Seriously? Is he a man from nowhere?” Cleo rolled her eyes and threw the cigar butt outside the car. Talaga namang sirang-sira na ang lakad niya ngayong gabi pagkatapos ay dumagdag pa ang hudas na ito. “Babain ko na po ba, ma’am?” nag-aalangan na tanong ng driver. “Ang ibig ko pong sabibin kung tutulungan po ba natin?” “Give me my gun and stay here.” “Pero delikado po. Maigi pang ako na lang ang pupunta ro'n,” Monty insisted. “Don’t make me say it again.” Her eyes narrowed into slits as throwing daggers through his very soul. Monty had no choice but to obey. He pushed a button underneath the dashboard before picking the gun inside the secret compartment. He gave it to his boss and his eyes followed Cleo’s smooth way of climbing out the car. He swore there was nothing but coldness in the woman’s eyes, and it was terrifying, causing him to wince against his seat. Sa dalawang taon niyang paninilbihan bilang driver nito ay ngayon lamang niya nakita ang ganoong reaksyon sa kanyang amo. Huminto si Cleo sa harapan ng lalaking ngayon ay nakadapa na sa hood ng kotse. Ang mukha nito’y nakadukdok nang maigi roon. “Who do you work for?” bulong ni Cleo sa tapat ng tenga nito sabay itinutok ang dulo ng baril sa sentido nito. Umungol ang binata pero hindi nagtangkang humarap. Ilang saglit pa ay bumaba ang tingin ni Cleo sa tagiliran nito at napansin ang malaking hiwa roon. The guy was badly hurt, beaten to death from head to toe and vice versa. Maya-maya ay nalipat ang tingin niya sa kotse nang bumaba roon si Monty. “Ang sama ng lagay niyan, ah. Mukhang di na yata ‘to aabot sa ospital,” naiiling na komento ng driver. “Do you know this guy?” Nahihintakutang umiling si Monty. “Naku, hindi po. Tawag na po ba ako ng rescue?” “You can’t do that.” “Ho? Bakit hindi p’wede? Daming dugo na yata nawala d'yan, e baka dito pa 'yan makipagkita kay San Pedro. ” “Listen, I have a bad feeling about this.” Kumunot ang noo ng driver. “Ibig n’yo pong sabihin baka biktima 'to ng salvage?” “That I can’t tell. Do me a favor.” Inalis ni Cleo ang baril sa ulo nito at sinenyasan si Monty na patihayain ang lalaki para makita nila ang mukha nito. Medyo nahirapan ang kanyang driver dahil may kabigatan ang lalaki. At nang sa wakas ay tuluyang mapatihaya ito’y nanlamig si Cleo sa nakita. Halos hindi na makilala ang hitsura nito dahil sa matinding pambugbog na natamo. But the only thing that made sense was the guy’s tattoo on his V-line peeki ng through his muddy pants. “No! This can’t be him,” she lamented in a shaky voice, clenching the gun in her hand.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD