CHAPTER FIFTY NASA balcony ngayon si Beatrice ng kan’yang kwarto. Payapang nakaupo habang tumitingin sa sa araw na papalubog na. Sinalin niya ang tea sa kan’yang glass cup saka kinuha ito. Papikit niyang inamoy ang tea. It’s peppermint scent and its refreshing. Kahit papaano ay nakakaginhawa ito’t nakaka-relax sa kabila ng pag-iisip niya nang malalim. Sumisim siya ng tea na itinimpla niya kanina sa kitchen. Nasa baba sina Dianne at Fritlyn at hindi umalis. Siguro ay dahil napagod ang mga ito sa gabi-gabing pagpa-party sa club. Iniwan niya ang mga ito nang nagsi-swimming sa pool kanina. Wala namang pakealam ang mga iyon sa kan’ya basta ang mahalaga sa kanila ay nag i-enjoy sila. Besides, gusto niya ring mapag-isa. Gusto niyang pumunta sa lugar na tahimik. Iyong walang mandidist

