SABI ng iba ang buhay ay parang isang laro. Kung saan ay kailangan mong lagpasan ang mga pagsubok. Kahit na ito ay mahirap at imposibleng malagpasan. Para sa isang laro, hindi maiiwasan ang magkaroon ng madayang kalaro. Yong kahit panalo ka naman ay talo pa rin. Yong nalagpasan mo na 'yong mga pagsubok na dapat mong lagpasan ay talo ka pa rin. Para kang nagsayang ng oras—ng panahon. At ang madaya at paduga mong kalaro ay walang iba kundi si tadhana. Unfair di'ba? Kahit na ginawa mo naman lahat id mo parin nakuha iyung premio na gusto mo. Kasi si tadhana pa rin pala ang magdesisyon kung anong premyo ang ibibigay niya sa'yo. Napakadaya, napakaduga, nakakainis, at nakakairita. Pero kahit gano'n 'yong nararamdaman natin kahit na parang hindi natin deserve lahat nakuha natin . . . wala. No

