CHAPTER SIXTEEN Presko ang hanging humahampas sa mukha ni Beatrice. Masarap ito sa ilong. Fresh na fresh. Nakaka-relax. Nakaka-alis ng negatives. Probinsyang-probinsya nga talaga ang lugar na ito. Ngayon ay tahimik na naglalakad sina Beatrice at Noah sa gitna ng taniman. Sa bawat paglalakad nila ay binabati sila ng mga tauhan sa hacienda. Sila iyong nag-gagamas ng mga gulay. Dito nakita ng dalaga kung gaano ka-close ang mga ito sa binata. Aminin niya man o sa hindi, alam at sigurado rin naman siya na magandang makisama ang lalaking iyon. Minsan nga lang, malakas mang-asar. Naglakbay pa sila sa ibang taniman. Halos lahat yata ng klase ng gulay ay nandidito na sa hacienda na ito. Pati mga prutas. Hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit sobrang yaman nina Tita Miriam. Magandang negosyo r

