CHAPTER SEVENTY-SIX PANIBAGONG umaga na naman ang humarap kay Beatrice. Katulad ng laging nangyayari ay nagigising siya dahil sa nakakasilaw at mainit na sinag ng araw. Lagi niyang nakakalimutan na saraduhan ang bintana nang sa gayon ay walang hangin ang makakapag-patangay sa kurtina. Dahilan para lubusang pumasok sa loob ang mainit na sinag ng araw. Nahihikab na nagmulat ng mga mata si Beatrice. Matapos ay bumangon na siya. Ang katawan niya ay pagod mula sa trabaho kagabi. Kahit na nakaupo lang siya ay napagod pa rin siya. Iba kasi talaga kapag utak at kamay na ang pinapagana mo. Lahat ay apektado. Iyon ang dahilan kung bakit saludo ang dalaga sa mga taong office job ang trabaho. Kasi sila iyong mga tao na kahit nakaupo lang ay talagang inaatake ng makirot at nakaka-stress na sakit s

