[AVA WRENLEY’S P.O.V.] Ugh! That man is insane! Ang laki ng galit niya sa akin. I got some information about him. Noon pa lang ay iniisip ko na kung sino ba ang pinakamalaking shareholder sa kumpaniya na La Viela Company. Dahil nagulat ako na kapantay ko lang siya. Kahit na sa akin naman ipapamana ang kumpaniya. I once asked my Mom about that person. Pero hindi niya rin kilala kung sino. ‘Di rin niya binalak na kilalanin. Ang sagot niya lang sa akin noon ay ang mahalaga naman daw ay nakakatulong sa kumpaniya ang tao na ‘yon at tahimik lang. Pero naiisip ko na noon. Paano kung biglang magpakita ang tao na ‘yon? Maaari na niyang angkinin ang kumpaniya namin. But Mom didn’t took what I have said seriously. Hanggang sa namatay na lang siya… Imbis na problemahin ko ang pagkamatay ni Mom at

