[AVA WRENLEY’S P.O.V.] Nasaan kaya si Kael? Parang tahimik yata ang buhay ko ngayon dahil walang gumugulo sa akin? Ugh! Bakit ko ba iniisip ang lalaki na ‘yon? Kanina pa siya ‘di nawawala sa isipan ko, and I don’t freaking know why am I thinking about him! Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang pumapasok sa isipan ko. Ganito na ba kapag sobrang bored na? Hindi na alam kung ano ba ang pwede ko pang isipin. Kaya si Kael na lang ang natripan ko? Lumalalim na ang gabi at wala pa rin siya rito sa bahay. Daig ko pa ang isang babae na naghihintay sa asawa niya na makauwi na sa bahay nila. Wow ha, Ava?! Talagang ganito pa ang nagawa kong maisip, kahit na ang dami na ngang mga problema na naibibigay sa akin ang lalaki na ‘yon? Gutom lang siguro ako kaya puro hangin na ang utak ko ngay

