Ano ang ginawa ng ama ko kay Ava? Nakita ko ang emosyon sa mukha ni Ava nang banggitin niya ang mga salita na ‘yon. Galit, poot, at sakit ang nakita ko na emosyon sa kaniya. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Ngayon pa lang ay kuryoso na ako. Hindi ako mapakali at gusto ko nang malaman kung ano ang pinaghuhugutan niya. Nagkulong na siya sa kabilang kwarto. Sinabihan ko na rin naman ang mga guwardiya na bantayan nang mabuti si Ava dahil baka bigla siyang tumakas. Wala akong balak na rito matulog. Umalis na rin ako at nagpunta sa kampo kung saan naroon ang pinaka-kwarto ko. Dumeretso ako sa mga computers ko. Kung saan naroon ang lahat ng mga CCTV footages. Marami ang mga computers doon dahil namo-monitor ko kung nasaan ang ama ko at kung ano ang mga ginagawa niya. May isang lugar lang na

