[AVA WRENLEY’S P.O.V.] I hate myself. Ako lang ang dapat na sisihin sa sitwasyon na ‘to ngayon at hindi si Kael. Lahat ng mga salita niya ay tumagos sa akin. Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko kailangan na mag-demand ng kahit na ano mula sa kaniya, dahil ako naman ang nauna. Lasing ako kagabi kaya naakit ko siya. Alam ko na lalaki siya at hindi niya rin kayang mapigilan ang sarili niya. I was the one who insist that we should make out last night. Kaya bakit pa ba ako naghahangad ng iba pa mula sa kaniya? Mali ako. Nahihibang na ako. Sabik na sabik na ba ako sa aruga at pagmamahal kaya ako ganito? Tumatak na kasi sa isipan ko na si Kael na lang ang makakasama ko sa buong buhay ko. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para magkalapit kami. Para na rin… makalimutan ko na ng tuluyan si Brix. M

