Sakto naman na bago pa nila ako masaktan gamit ang umaapoy na hawak nilang panusok sa akin ay agad na dumating ang mga tauhan ko. Mabilis nila na pinagbabaril ang mga kalaban nang makapasok sila sa loob. Napangisi naman ako. Serves them right for trying to hurt me! Mabilis ako na inasikaso ng mga tauhan ko. Inalis nila ang pagkakatali sa kamay ko at mabilis naman ako na nakababa. Tapos tinanggal din nila ang tali ni Ava sa katawan. “Pinatay mo ‘to?” tanong agad sa akin ni Rence nang makita niya ang pinatay ko na lalaki. “Sino naman sa tingin mo ang gagawan n’yan, bukod sa akin?” sarkastiko naman na tanong ko sa kaniya. “Woah! Pero paano mo siya napatay kung nakatali ka doon?” “Malamang siguro ay sinipa niya ‘yan,” sagot naman ni Ryan sa kaniya. “Tingnan niyo na kung may mga makuk

