✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ BUKOD sa celebration sa bahay, kinagabihan ay lumabas kaming pamilya. Buong pamilya, dahil kasama namin ang parents ni Xyrus at maging si mama. Pumunta kami sa isang kilalang restaurant sa Talburn City para doon mag-dinner. The restaurant exudes an intimate atmosphere, with soft lighting casting a warm glow over the elegant decor. At ang nakakatuwa pa, pati sa restaurant ay kinantahan din ako ng happy birthday. Pinalibutan ng mga waiter at ng iba pang staff ang table namin habang masaya silang kumakanta bago ipa-blow sa akin ang ikalawang cake ko ngayong araw. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Bago sa pakiramdam ko ito dahil first time talaga na ipinagdiwang ang birthday ko, kaya magkahalo ang nararamdaman ko. Para akong nahihiya na kinakabhahan, but

