✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ “Anak.” Nakahiga ako sa sofa, nagbabasa ng libro noong narinig ko ang boses ni mama. Kalalabas niya sa kwarto, nakabihis siya at mukhang aalis. “Pupunta ako sa town. Sa mga Mendez. Naroon ang lolo ni Xyrus. Matagal kaming hindi nagkita kaya pinapupunta n’ya ako ro’n.” Pinapupunta siya roon. It’s clear to me na siya lang. Okay lang naman ‘yon sa ‘kin. Kahit naman papuntahin nila ako roon, hindi rin ako pupunta dahil alam ni mama na hindi lang ako magiging komportable. Kaya rin siguro hindi na niya ako tinatanong pa kung gusto kong sumama. “Ingat po kayo, ma. Pakiyakap na lang ako kay Frida at Lily.” Pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit na tila may nakabara sa dibdib at lalamunan ko. Bahagya siyang napabuntong-hininga, dahil mukhang alam niya ang nararamdaman ko sa lik

