✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ “YOU can’t just run like that!” Hindi ko naiwasang magtaas ng boses kay Tate matapos ko siyang mahila sa braso. Ang bilis ng takbo niya palayo, patawid. Kung hindi ko siya naagapan at nahigit sa braso, siguro ay nabangga na siya ng sasakyang parating na bumusina kanina. “S-Si Lily.” “I know, Tate. I know! Pero hindi ngayon ang tamang oras para puntahan mo s’ya! May mga susunod ka pang klase! May exam ka pa nga, ‘di ba?” Nang ipaalala ko ‘yon, mas lalo siyang naiyak dahil napagtanto niyang hindi talaga siya puwedeng lumayo ngayon. Saglit lang ang break time. Fifteen minutes lang. Kung pupuntahan niya si Lily, siguradong hindi siya aabot sa susunod niyang klase kung saan may exam pa siya. “Lily . . .” she sobs. Napabuntong-hininga ako at hinawakan siya sa balikat para

