MARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Chapter 34 I'm at the office now, Friday. My last day ko here. Sa katunayan ay wala naman akong gagawin dito ngayon, I just want to stay here muna dahil hindi ako mapakali sa bahay. Parang may mali na kung ano na hindi ko matukoy. I am dead worried kay Julia dahil mula nang the following day after we went to Mi CASA Bar, nag-iba na siya. She seemed so distant hindi lang sa akin, pati narin kay brat. Alam kong may problema siyang dinadala, nung hapon pa lang na kagigising lang niya at inabutan niya kaming nagkakatuwaan nila Tan at brat sa pool. Alam ko ng may problema siya kasi bago pa siya tuluyang pumasok sa loob nun, nakita ko sa mga mata niya na parang matamlay at teary eyed. Hindi ko malaman nun kung masama lang

