MARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Chapter 28 Matapos ang insidente sa puntod nila tatay at nanay ay hindi na nagpakita or nagparamdam sa akin si kuya, hindi katulad ni Katherine na tumira pa sa bahay the day na makabalik kami ng Manila. Kung si Katherine ay warm and loving, si kuya naman ay distant and quiet. I tried calling his number several times ng ilan araw after nang pag-amin ko ng totoo but he doesn't answer my calls. Maging si Katherine ay hindi rin niya sinasagot ang tawag. Naging mabait, malambing at masayahin si Katherine. Telling me things from her childhood at yung time na high school na siya. Masaya ako sa pagtanggap ng bunsong kapatid ko sa akin pero part of me is broken parin dahil ramdam ko ang pag-ayaw ni kuya sa akin bilang kapat

