Napag-usapan nila ang nalalapit na graduation day ni Clarie. Sadly, hindi talaga makakauwi ang tatay Mateo niya sa araw na iyon na isang OFW. Pero nangako ito na makakauwi rin kaagad hindi nga lang matataon sa eksaktong araw ng pagmamartsa niya. Ang kuya Caloy naman niya'y hindi rin makakapunta dahil may naka-schedule ng appointment ito sa araw din na iyon. Ayon dito kung napa-aga lang ang pagsabi ni Clarie, siguradong makakapunta ito at ito pa mismo ang sasama sa bunsong kapatid sa pagmartsa. Mabuti na lang at nariyan si Tita Melly niya, ang fully supporter sa lahat ng oras.
"Huwag mo naman akong kalimutan! Pupunta din naman ako sa Graduation mo," suporta naman ni Jayden na hindi pahuhuli.
"Dapat lang, boyfriend! Kapag hindi kita nakita dun, break na tayo," pagbibiro niya.
"Promise! I'll come," pangako nito. Instead of raising his right hand for gesturing his promise, he just placed his hand deeply on his chest. Kaya naman napatigil si Clarie at hinarap si Jayden. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.
"Please... No promises. Just do it, okay?"
"Okay, Clarie."
"Yan! Mas sweet pa pala kapag ikaw ang bumabanggit ng pangalan kong 'yan."
"Ganun? Parang hindi naman. Mas sanay kasi ako sa Clareng!" at pinisil nito ang ilong niya. Hindi sigurado si Clarie kung nakutuban ba ni Jayden na sa tuwing binabanggit nito ang pangalan niya, kesyo Clarie, Clareng, o ang tunay niyang pangalang Clariselle ay nagdudulot iyon ng malakas na impact sa kanya. Mas malakas kumpara sa pagbanggit ng dati niyang mga crush.
Nag-request talaga si Jayden ng leave sa araw ng graduation ni Clarie pero hindi pumayag ang Manager niyang si Tris. Madami ang naka-schedule na reservations sa Colser ng araw na iyon dahil na rin sa graduation day nga ng kilalang university sa lalawigan nila. Hindi rin naman niya masisisi ang mga clients nila dahil sa wala namang maipipintas sa mga menus at recipes nila. Masasarap lahat at talagang hahanap-hanapin sa bawat kagat. Kahit siya na-challenge na matutuhan ang mga pagkain doon. Kaya nang malaman ni Manager Tris na nagtrabaho siya sa isang restaurant, ay sinunggaban na niya ang alok nito bilang chef sa Colser kahit pa kinuha na siyang part-time singer din dito at ng lumaon ay naging part na ng banda.
Hapon na nang payagan siyang palabasin ni Manager Tris. Nakulitan na iyon sa kanya kaya pumayag na rin. May kaunting kaba siya dahil baka totohanin ng girlfriend niya na i-break siya nito kung hindi nito makikita ang presensiya niya. Kung pwede lang sanang paunahin ang anino niya, ginawa na niya. Dahil kaya naman niyang patunayan iyon makita lang siya nito. Nang tatawagan niya na sana si Clarie, bumungad kaagad sa kanya ang five messages nito na may pare-parehong sinasabi.
Nasaan ka na ba? Nagsisimula na. Gusto mo na bang makipag-break agad?
Wala siyang ginawang response. Ibinalik niya kaagad sa bulsa ng pants niya ang cell phone at nagmadaling bumiyahe papuntang university.
Hindi na siya nagulat sa naabutan niya. Kapag minalas nga naman, picture taking na. Wala na siya sa mood. But he's trying his best para kumalma lang. Alam niyang magagalit si Clarie sa kanya at hindi niya gustong sabayan rin ang galit nito. Pero hindi niya maloloko ang sarili. He broke his promise and he's guilty of it.
Tinatawagan niya ito pero hindi sumasagot. Dapat na nga ba talagang mangamba siya? Matapos ang ilang minuto niya ring paghahanap kay Clarie, ay nahagip ng mata niya si Tita Melly at ang bunsong anak nitong si Pam-Pam. Nakikipag-usap sa isang kakilala. Katabi ni Tita Melly, naroon si Clarie may kausap rin. Nakikipagtawanan ito at nakikipagyakapan sa isang... lalaki. Sumugod kaagad siya, dahil iyon ang inutos ng instinct niya.
"Bro," sita ni Jayden sabay hawak sa balikat ng lalaking kapantay lang niya ang taas. Humarap ang lalaki sa kanya. May kayumangging kutis ito at may itsura din. Pamilyar ang mga mata ng lalaki, maging ang hugis ng mukha nito. "Are you related to my girlfriend?"
"Jayden," sambit naman ni Clarie sabay hawak din sa balikat ni Jayden. Hindi inaasahan ni Clarie ang tagpong ito. Hindi niya alam kung paano ba niya sisimulan ang pagpapaliwanang sa dalawang lalaking nasa harapan niya.
"She's your girlfriend?" paninigurado ng lalaki.
"Oo. Ikaw? Sino ka? Nakikipagyakapan ka pa sa hindi mo naman pag-aari," walang prenong nasabi ni Jayden. Kahit mismong si Jayden nagulat din sa mga sinabi niya. Hindi naman talaga ito basagulero, pero ganoon lang talaga ito mag-protekta lalo na kung si Clarie ang nasasangkot sa g**o gaya nito. Kaagad naman nabaling ang kunot-noong ekspresyon ng lalaki kay Clarie. Kaya bago pa ulit makapagsalita ang lalaking iyon ay pumagitan na si Clarie sa dalawa.
"Let me explain, okay? Jayden... si Caloy, kuya ko. And kuya... yes. Si Jayden, boyfriend ko," pormal na pagpapakilala niya sa isa't-isa. Nagkaroon ng saglit na katahimikan matapos noon. Salit-salit ang tuon niya sa kuya at sa kasintahan. Parehas nag-iiwasan ng tingin sa isa't-isa. Ang pag-iwas ni Jayden alam niya ang dahilan. First meet nito sa kuya niya, ganoon pang ugali ang naipakita nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya, maaawa, o maiinis dahil may atrsao pa ito sa kanya. At ang kuya niya? Hindi niya malaman kung bakit umiiwas ito kay Jayden. Hanggang sa ito na nga ang pumutol ng awkwardness. Nagyaya na itong umuwi na sila at nang makapg-celebrate na.
"Napakabilis mo naman yatang bata ka!" sermon kaagad ni kuya Caloy nang higitin siya nito papunta sa kuwarto. "Ano 'yun? Hindi ka pa nakakagraduate ah nag-boyfriend ka kaagad? O dati ka pang nakipagrelasyon at nagsinungaling ka lang sa'kin?!"
"Kuya naman!" hindi sinasadyang tumaas ang boses niya. Pero ito talaga ang ayaw na ayaw niya. Ang akusahan kaagad siya sa mga maling paratang na hindi niya naman talaga ginawa. "Wala kong nilabag, okay? Sinagot ko siya last week lang. Mag-iisang taon na rin 'yung nanunuyo at... gusto ko din naman siya! Kahit wala pa ang diploma ko 'nun, obviously nakatapos na rin naman ako. So, kuya kalma ka lang ha? Hindi ka ba masaya para sa'kin?"
"Masaya ako, syempre naman!" sagot nito at lumapit sa kapatid. Hinawakan ang magkabilang braso ni Clarie. "Hindi ko lang kasi inaasahan ang mga pinanggagawa mo. Sige na, hindi na ko kokontra! Basta boyfriend lang muna."
"Oo naman kuya. Wala pa sa isip kong maging katulad mo! Nakakatanda lalo kapag nag-asawa! Please, kuya iwas-iwas din sa mga fats hina-high blood ka palagi eh," sabay tawa ni Clarie na ikina-ngiti naman ng kuya niya. "Kuya, matanong ko lang. Bakit nga pala ang tahimik mo 'nung pinakilala ko si Jayden sa'yo?"
"Ah, kasi..."
"Kasi?"
"Alam mo na, medyo nakakapang-selos." Kumunot ang noo ni Clarie. Ano ba ang dapat ika-selos ng kuya niya? "May bago na kasing protector sa bunsong kapatid ko. Although, nainis niya ko sa bungad niya sa'kin kanina at nagselos ata 'yun kaya naging ganun. Wala na sa'kin 'yun. Mga Lalaki talaga! Sa mga titig niya pa lang, siya 'yung lalaking ayaw mabakuran ng iba ang alam niyang sa kanya!"
Hindi naman napigilan ni Clarie ang ngumiti. Pakiramdam niya napaka-swerte niya talaga kay Jayden. Alam naman niya iyon, hero niya nga ito. Pero ang marinig ang mga iyon sa mismong kuya niya, ay isang assurance pa rin na proud siya sa boyfriend niya.
"Hoy, Clareng! Huwag kang loloka-loka. Mahirap din 'yung masyadong ganun! Baka mamaya maging obsessive naman, dun ka matakot!"
"Hindi naman, sa itsura niya mukha bang nakakatakot?"
"Basta Clareng," seryosong titig nito sa kanya sabay hawak sa magkabilang balikat niya. "Huwag padalos-dalos ha? Kilalanin mo siya ng mabuti. Sigurado na tayo na hindi ka niya pababayaan pero mas kilalanin mo muna. Call me, kapag nagkaproblema lagot sa'kin 'yang Jayden na 'yan."
"Si kuya naman... Okay. I'll follow."
Matapos ang dalawang oras, nagpaalam na ring umalis ang kuya Caloy niya. Sumaglit lang talaga ito para sa Graduation niya. Mabuti na lang talaga at umabot ito kaya ang kuya na niya ang sumama sa kanya sa pag-martsa. Hindi niya naman inaasahan iyon dahil ang alam niya ay hindi talaga ito makakapunta. Pero, biro lang pala iyon ng kuya niya. Hindi naman daw ito makakapayag. Kung dati'y nakauwi ang tatay Mateo nila noong nagtapos ito ng College, hindi naman nito hahayaang maging malungkot ang kaisa-isa niyang kapatid dahil hindi makakauwi ang tatay nila sa pagtatapos naman ni Clarie.
Bago tuluyang umalis ang kuya Caloy niya, napuri pa ang handang pagkaing kinain nito. Masarap na masarap. Nang tanungin kung sinong nagluto, itinuro niya kaagad si Jayden na nangingiti sa tabi niya.
"Kitam kuya? Sabi ko sa'yo makakahanap ako well, nakatagpo pala ako ng hihigit sa'yo! Chef yan!" proud na proud na pagkakasabi ni Clarie sa kuya bago iyon umalis.
"Oo na! Ako na ang hindi chef, businessman naman!" banat naman nito. "Sige na, Congratulations ulit Clareng. Ikaw, Jayden subukan mo lang awayin at paiyakin 'tong kapatid ko, lagot ka talaga sa'kin!"
"Huwag kang mag-alala kuya, akong bahala sa kanya. Pero kapag ako ang inaway at pinaiyak niya dapat lagot din siya sa'yo!" biro naman agad ni Jayden.
"Oo. Basta kasalanan niya, magkakampi tayo."
Sumama naman ang tingin ni Clarie kay Jayden. Ngayon naman mukhang pinagkakaisahan na siya ng mga ito. But that's a good thing, at least kahit kaunti humupa din ang discomfort sa pagitan ng dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya. Pero, hindi nakapunta ang isa pa sa lalaking labis niyang pinahahalagahan at pinangungulilaan, ang tatay Mateo niya. Iniwas na lang niyang isipin ito dahil ayaw niyang lumungkot naman. Magkikita rin sila, darating din ang araw na iyon.
"Ikaw naman? Explain," taas-kilay na baling ni Clarie kay Jayden nang naiwan na lang silang dalawa sa labas ng bahay. Mataimtim niya lang na pinakikinggan ang mga paliwanag ng kasintahan. Hindi lang ang mga sinasabi nito, pati rin ang ekspresyon ng mukha at ang mga mata nito. Wala naman talaga siyang balak na takutin si Jayden nang nagbiro siya tungkol sa break-up nila kung hindi niya ito makikita sa graduation. Pero ang totoo, siya talaga ang natakot. Sumagi sa isip niyang baka sinadya na talaga ni Jayden na hindi sumipot dahil gusto na nitong makipagkalas kaagad sa kanya. Imposible, pero iyon ang pinangambahan niya. Satisfied naman siya sa mga dinahilan nito. Mabuti na lang at hindi kasama si Tessa sa mga excuses nito. Wala nga kaya?
"Naniniwala ka ba sa'kin?" tanong ni Jayden sa kanya matapos nitong magpaliwanang.
"Hm... Kapani-paniwala naman. Basta magpakatotoo ka lang sa'kin."
"Yes gorgeous," sagot nito at hinigit ang baywang niya palapit. "At para naman sa'yo, don't make me jealous Clarie. Mabuti na lang si kuya pala 'yung kanina at nakalusot. Pero kung iba talaga siya malamang hindi na 'yun makikilala kapag basag na ang mukha niya."
"Ang seloso naman..." lambing naman niya. Kahit na medyo kinilabutan siya sa ginawa niyang iyon hindi naman siya nagpahalata. "Pero kapag ako ang pinagselos mo, ikaw ang hindi na makikilala ng mga ka-banda, kaibigan, at kamag-anakan mo!"
He chuckled. "Eh, mas selosa ka pa eh!"
Then another sugariness started that night.