Ayen's POV: Nanlulumo kong binuksan ang pinto at doon ko nakita si Rye na nakahiga sa hospital bed. Mahimbing ang tulog nito kaya dahan dahan pa akong lumapit rito. Kita ko ang sugat sa mga mukha nito gayun din sa mga braso at binti niya. Kasalanan ko kung bakit siya na aksidente, kasalanan ko kung bakit siya walang malay hanggang ngayon. Lahat ng 'to ako ang dahilan at lahat ng 'to ay kasalanan ko. Napatakip ako sa bibig 'ko para pigilan ang pag iyak. Hindi ko kaya na makita siyang ganito, matatanggap ko pa na mag kapatid kami pero ang tuluyan siyang mawala sa akin ay hindi ko kaya. Alam ko mali ang nararamdaman ko para sa kaniya pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na mahalin pa rin siya. "W-wake u-up.. p-please.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa sobrang saki

