Ayen's POV:
Pangatlong araw na namin dito sa gubat at masasabi ko talaga na napaka saya dito. Mas lalo ko rin na kilala ang classmate ko, lalo na si Rye na laging naka alalay at nakangiti sa 'kin.
I feel something weird kapag nan d'yan s'ya and I can't explain it.
Naka ngiting inabot sa 'kin ni Theon ang compass at flashlight na gagamitin namin para makahanap ng mga flags. Kung sino kasing team ang may maraming makuhang flags ay may mata tanggap na premyo.
"Take care." ginulo pa nito ang buhok ko bago s'ya bumalik sa mga team mates n'ya.
"In one...two.. three.. Go!" nag takbuhan na kaming lahat at lumusob sa madamo at mapunong gubat ng marinig namin ang pag sipol.
Nag pa ikot ikot at nag pa linga linga ako sa paligid hanggang sa maka kuha ako ng isang flag mula sa naka sabit na puno Nakita ko naman si Kei na bumaba ng puno ng makuha nito 'yung pulang flag pero aksidente itong nadulas.
"Kei!" Lumapit ako rito pero hindi ko s'ya na abutan. Nahulog ito mula sa puno.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa ka n'ya sabay hawak sa braso at binti nito. Mabilis naman n'yang pinalis 'yung kamay ko at iikang tumayo.
"I'm fine." mataray na sabi nito. Iika itong nag lakad kaya naman hinabol ko pa s'ya. Hindi n'ya na kaya. May injury s'ya kaya mas mabuting dalhin s'ya sa base para matignan.
"You're not okay. Bumalik na tayo sa base." inalalayan ko 'tong mag lakad pero tinulak lang ako nito. Nawalan ako ng balanse at napa upo sa lupa.
"I said, I'm fine and I don't need your help. So stay away from me." inis na sabi nito sa 'kin.
"Kei!" halata mo naman ang gulat sa muka ni Kei ng marinig 'yung boses ni Rye.
Ka agad na lumapit sa 'min si Rye at si Range. Nag aalalang ina lalayan ako ni Rye sa pag tayo.
"Anong nangyari?" tanong ni Rye kay Kei. She looks at me na dahilan para mapa tingin sa 'kin si Rye.
"Hinila n'ya 'yung paa ko so I fell." pag sisinungaling nito na kinagulat ko.
"Is that true?" nag tatakang tanong ni Rye sa 'kin. Nakaramdam ako ng kakaibang takot at parang gusto kong umiyak.
Wala naman akong ginawang masama pero bakit parang ang laki ng galit sa 'kin ni Kei? Ni hindi ko magawang sumagot sa tanong ni Rye. Natatakot ako sa di ma lamang dahilan.
"Ai?" ngayon ko lang nakita ang seryosong muka ni Rye. Na iiling ako nitong binitawan na para bang hindi maka paniwala.
Binuhat nito si Kei at nag lakad sila palayo. Hindi ko maintindihan kung bakit may kung anong tumusok at kumirot sa puso ko. Is he mad at me? Wala naman akong ginawang masama aa. I just want to help her but she refused it.
Nararamdaman ko ang pag init ng mag kabilang gilid ng mata ko. Naramdaman ko rin ang pag patak ng mga luha rito na mabilis kong pinahid. I feel pain. Bakit ba ako umi iyak? I should stand for my rights but I didn't. Hindi ko kayang makita ang galit na muka ni Rye. Nasasaktan ako, pero bakit?
Naramdaman ko ang mahinang pag tapik ni Range sa balikat ko. Nag angat ako ng tingin sa ka n'ya and he smiled sweetly at me.
"Don't worry. Na bigla lang si Ryan." Inaya ako nitong bumalik sa Base namin pero tinanggihan ko iyon.
Nag hanap ako ng lugar kung saan pwede ako mag isa. Doon ko lang din na malayan ang pag kirot ng siko ko.
I was like a five year old crying in pain, pero hindi dahil sa sugat ko, kung hindi dahil sa galit sa Rye. Ang weird. Hindi naman ako dapat nag kaka ganito. Ano naman kung galit s'ya? edi mag sama sila nung sinungaling n'yang girlfriend.
Marahas kong pinahid 'yung luha ko bago taas noong inayos ang sarili.
"Ayen Jade Fuentabella, hindi ka pinanganak para lang pa iyakin at apakan. You are brave and smart." Nag simula na akong mag lakad lakad ng mapansin kong malayo na ang narating ko. Hindi na rin pamilyar sa'kin 'yung mga lugar dahil pare parehas lang itong may mga puno.
Nakaramdam na ako ng takot pero binaliwala ko iyon at kinuha ang flashlight ko. Kinapa ko rin mula sa bulsa ko 'yung compass pero wala ito rito.
"s**t!" napamura ako ng ma realize ko na baka na hulog ko 'yun ng itulak ako ni Kei kanina.
"I'm lost." Na iiling akong nag lakad lakad at sinubukang hanapin 'yung daan pero lalo lang ata akong naliligaw. Madilim na rin sa buong paligid. Tanging ilaw lang mula sa flashlight ko at ang buwan ang nag bibigay liwanag.
Napahinto ako sa pag lalakad ng may pumatak sa ulo ko. Napatingala ako kasabay nun ang malakas na pag kidlat at pagbuhos ng Ulan. Pag mina malas ka nga naman oh.
Nag mamadali akong tumakbo papunta sa isang puno ng aksidente akong na dulas at padausdos na mahuhulog sa bangin.
Halos naka pikit na akong napa sigaw ng may humawak sa kamay ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Rye na pilit akong hinihila pa angat.
"Hold on." Mabilis kong inabot ang isa pa nitong kamay. Mahigpit ako nitong hinawakan at pilit na hinatak pa taas.
Halos malula naman ako ng makita kong nahulog sa bangin 'yung flashlight ko.
"Rye." na iiyak ko na tawag sa ka n'ya. Ayoko pang mamatay. Please save us. Marami pa akong pangarap sa buhay.
"Hindi kita bibitawan at lalong lalo ng hindi kita pababayaan.Humawak ka lang. Trust me." Tumango ako rito at buong pwersa n'ya akong hinatak.
Nang mahila ako nito ay bumagsak kaming parehas sa putikan. Mabilis ko 'tong ni yakap habang patuloy lang sa pag iyak.
"Sssshh.. tama na. Ligtas ka na.Nan dito na 'ko." Naramdaman ko rin ang mahigpit n'yang pag yakap sa'kin. Now I feel safe on his arms. I never felt this before. His warmth hug that gives shiver into my spines and his words that makes me feel safe and comfortable.
Lumilim kami sa isang malaking puno ng patuloy pa rin sa pag buhos ang ulan.
"Wear this." inabot nito sa'kin ang suot n'yang kapote pero umiling lang ako rito.
"I'm okay. Kailangan mo 'yan." Na iiling ako nitong tinignan at pilit na sinuot sa 'kin ang kapote.
"mas kailangan mo 'yan." Here we go again. Napaka bait n'ya na naman sa 'kin samantalang kanina ay halata mo na galit s'ya. But I can't deny it. Natutuwa ako sa tuwing nag aalala s'ya para sa 'kin.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa 'ming dalawa. Tanging malakas na pag ihip lang ng hangin ang naririnig ko.
Gusto ko s'yang i approach pero nahihiya at natatakot ako. Natatakot ako na baka galit pa rin s'ya sa 'kin dahil sa nangyari kanina.
"Ai." Binasag nito ang katahimikan ng tawagin nito ang pangalan ko. Nilingon ko s'ya at nakita ko na nakatingin din ito sa akin.
Isang tingin na para bang mina-magnet n'ya 'yung mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na kulay brown pala ang loob ng mata nito at napakaganda nun. May kung ano rin akong nabasa sa mga mata n'ya. I don't know it but it looks like I understand what he feels. Para bang nararamdaman ko 'yung tinitibok ng puso n'ya because I feel the same? I washed those thoughts of mine at nag iwas ng tingin.
"I-I'm s-sorry for Kei." na uutal kong sabi rito. Hindi ko alam kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko. Wala akong kasalanan pero nag so-sorry ako? Gosh! what happen to you Ayen? Nababaliw ka na ba? No, but I don't want him to get mad at me. Bulong naman ng konsensya ko. Geez! I'm really insane.
Nagulat ako ng bigla nitong kuhanin ang mga kamay ko at inilagay 'yun sa kanang dibdib n'ya.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso n'ya. Tulad ng puso ko ay ganoon din ito ka bilis. Is there a possible na pati ang puso namin ay iisa lang ang t***k?
Mas lalo namang bumilis ang t***k ng puso ko sa mga salitang binitawan n'ya.
"My heart only beats for you, Ayen Jade Fuentabella."
_____
SNS Account:
FB Account: Ash Sandejas
Twitter: CreepyPervy
Wattpad: CreepyPervy