Ayen's POV: Kung gusto may paraan. Kung ayaw maraming dahilan. Ano pa at maging motto ko 'to kung hindi ko naman magagamit. "Coffee for the one and only man in my life." Pinatong ko ang kape sa lamesa. Niligpit ko rin ang mga nakakalat na libro sa sofa at pinulot ang mga lungkot na papel sa lapag. "Ma upo ka nga muna." Nakangiti akong umupo sa sofa habang nakataas naman ang isang sulok ng labi nito. "Anong kailangan mo? Hindi ka pupunta dito sa office ko kung wala kang kailangan. Kilala kita, Ayen Jade Fuentabella." Nag taas baba pa ang kilay ni Daddy. He really know me. Lumapit ako rito at niyakap s'ya. Kung may close ako sa kanila ni Mommy, masasabi kong si Daddy ang mas close ko. Hindi lang masyadong halata dahil busy ito sa pamamalakad n'ya sa kompanya. "Dad, Pwede bang sa Blood-

